Maze 47: I'm proud of you

568 27 25
                                    




"Gonzaga." Tawag ni Gen. Fajardo sa kanya.

He sighed at inikot ang upuan para tingnan ang lalaking tumawag sa kanya. "Fajardo, what do you want?" Tanong niya.

"Any clue where your daughter is?" Tanong nito.

"She's probably in the library or sa office niya. Bakit ba ako ang tinatanong mo?" Sagot nito.

"No. Jovs."

Napakunot naman ang noo niya. "I told you not to talk about that dito sa crame. Hinahanap ko pa rin yung sinabi ni Jasper na gustong pumatay sa kanya within the army. Hindi ko kayang imbistigahan lahat dito ng sabay sabay." Napabuntong hininga naman ito. "I still don't know sino may hawak sa kanya, I'm just glad that— that, she's alive. Kahit hindi pa siya nagigising, it's been what? 7 months?"


2 months ago, someone sent a dry-sealed envelope with a picture of Jovs in a room with medical apparatus na nakaconnect sa katawan nito. Sinusubukan nilang hanapin kung saan nagmula ang sulat, but up until now, the sender is still unknown.


"So kailan mo sasabihin kay Mika?" Tanong pa nito. "Hindi ko alam kung gusto mo pang pasakitan yung anak mo. Alam mong masasaktan siya kapag bumalik na si Jovs." Sambit ni Gen. Fajardo.

"You may think of me as someone heartless—"

"Indeed." Side comment ni Gen. Fajardo kaya napailing nalang din si Gen. Gonzaga.

"I don't want to take this away from Mika. Bahala na kapag dumating na yung oras na makabalik si Jovs." Napahilot ito sa kanyang sentido.

"Wow, that's a first." Sabay tawa ni gen. Fajardo. "Am I hearing things? Iniisip mo yung mararamdaman ni Mika?"

"Shut it. Alam mo namang hindi ko alam pano kausapin yung anak kong yun." Wika ni gen. Gonzaga. "I like how she smiles these past few weeks."

"Sinusubukan mo ba kasi?" Napahinga ito ng malalim. "Gonzaga, kumilos ka na ngayon bago pa tuluyang malayo loob sayo ni Mika. Pero mali din na hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa kapatid niya. She'll end up being more hurt dahil she's inlove with her sister's girlfriend. Hindi ko masabing ex, she's still alive somewhere."

"Malaki na siya, alam niya na ginagawa niya. Sila na bahala magkapatid dyan. Kung gusto nilang magpatayan, bahala sila. Ang sakit sa ulo. Tanginang pag-ibig yan."

Natawa naman si Gen. Fajardo. "Language, please." Sabay iling nito. "Ikaw ba? Minahal mo yung mother ni Mika?"

Tinapunan naman niya ito ng tinging. "Gen. Fajardo, I think you have to go."

"Scared. Alright, I'm going." Sabay saludo nito at sumaludo naman pabalik ang kanyang kausap.

*****

Mika

Hawak-hawak ko ang aking rifle, napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad kami.


"Capt. Reyes, may problema ba?" Tanong ni Col. de Leon.

"Wala, sir." Sagot ko at inayos ang hat ko. "Area secured?" Tanong ko sa isang lieutenant.

"Yes, ma'am." Sagot nito sa akin.


We moved forward. Another raid sa big syndicate. Mainit sila sa mata ng mga militar pero hindi pa rin sila nagtitigil. May nahuli kaming isang tao nila na ikinanta ang lugar na ito. Dad told us na this might be a trap, pero we had to push through. Tho we made sure naman that we have a good plan.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon