MikaNakaupo lang ako ngayon gsa aking kotse, kakapatay ko pa lang ng makina at hindi ko alam kung paano haharapin ang mga tao ngayon sa paligid ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil iniisip ko pa rin ang sasabihin ng iba. Hindi sa paraan na maapektuhan kami, pero ayoko lang din may masaktan sa amin.
Nagtungo muna ako sa office ni Rad, maaga pa naman kaya nagpasya akong dalhan siya ng almusal. Kumatok ako sa pinto at agad naman niyang sinabing bukas iyon. Sinara ko iyon at ni-lock dahil ayoko ng istorbo. Naglakad ako papunta sa kanya at inikot naman niya ang kanyang upuan para harapin ako. Ngumiti siya kaya naman napangiti na lamang din ako at humalik panandalian sa kanyang labi.
"Goodmorning, my queen." bati ko at hinampas naman niya ako.
"Aga pa para magpakilig." wika nito kaya natawa ako.
Nilapag ko naman ang dala ko sa lamesa niya. "Just serving my boss." sabay tawa ko at hinampas nanaman ako nito.
"Wag mo akong gawing bottom." sabay irap niya.
"Gago, wala akong sinasabing ganyan." natawa na lamang ako at kinuha yung upuan na isa para tabihan siya. "Eat up, may training ka pa mamaya." wika ko.
Tahimik lang kaming kumain, hindi na rin ako makapagsalita kasi pakiramdam ko ay hindi totoo lahat, na para bang isang araw magigising ako sa katotohanan na hindi siya akin— na hiram lang siya. Napansin naman ata niyang may iniisip ako kaya she gave me this concerned look saka hinawakan ang kamay ko at marahang pinisil ito. Binigyan ko naman siya ng isang ngiti.
"Are you okay?" tanong niya. "Something's bothering you?"
I sighed. "Natatakot ako." may lungkot kong sambit. "Hindi ko kasi alam— alam mo yun? Parang, this is just too good to be true. You, being mine? "I chuckled. "Rad, I'm scared. Please don't wake me up kung panaginip lang to." namumuo na ata ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Narinig ko naman ang pagtawa nito. "Ang softie mo naman, Captain Reyes." hinawakan naman niya ang dalawang pisngi ko. Pinisil niya muna iyon bago ako halikan at kagatin ang labi ko.
"The fuck!" I hissed.
"Masakit diba? Mas masakit yan sa iniisip mo." iiling-iling nitong sambit. "Kung gusto mong gumising, gumising ka. Basta siguraduhin mong mag-goodmorning ka." sabay tawa nito at tumayo na saka nagligpit.
"You don't get me, do you?" tanong ko kaya agad akong tiningnan nito.
"Babe." lumapit siya at naupo sa kandungan ko. "Totoo 'to, okay? Yung nararamdaman ko sayo— lahat. Stop worrying, hindi naman overnight tong feelings ko sayo. It grew gradually, and I'm certain na mahal kita. Kaya kung ano man yang iniisip mo, tigil-tigilan mo na kasi baka masapak kita." sabay poke niya sa ilong ko.
Napabuntong hininga ako at nilagay ang noo ko sa balikat niya kaya marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "I'm sorry." sambit ko.
"Okay lang, naiintindihan naman kita e. But then, get your ass up. May trabaho ka pa." sabay hampas nito sa balikat ko at tumayo na. Napailing na lamang ako at pinisil ang pwet niya kaya agad akong hinampas nanaman. "Manyak." wika nito at tinawanan ko lang.
"Gusto mo naman." pang-aasar ko at nag dirty-finger lang ito. "Psh, init ng ulo. Oo nga pala, Rad." tawag pansin ko dito kaya tiningnan naman niya ako. "Is it okay for us not to go public muna? I mean— I don't know how people will react." She didn't show it, pero alam kong nalungkot siya kaya tumayo ako at hinawakan ang bewang niya. "Hindi ko gusto to, babe. It's just—" I sighed. "Bakit ba ang kumplikado nito?" inis kong sambit.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...