Maze 8: What the hell

610 31 49
                                    


MIKA

"Mika!" Rinig kong sigaw kaya napalingon ako. Nakita ko naman si Den na tumatakbo papunta sa akin kaya tumalikod akong muli at nagpatuloy sa paglalakad. "Mika naman, mag-usap tayo oh." Sambit niya. Hindi ata ako maabutan dahil ang liit ng bias niya. "Mika, please."

Tumigil ako at hinarap siya. Agad naman siyang nagpout. "Yes, nurse Lazaro?" Tanong ko sa kanya at napabuntong hininga siya.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Hindi lang ako pumupunta sa infirmary, wala namang dahilan e." Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. She shouldn't be. "Bakit kita iiwasan?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Mika naman e." Tanging imik niya.

I tucked my hands sa aking pantalon and gave her a cold look. "Look, Ms. Lazaro, I have a meeting to attend to." Sabay talikod ko sa kanya. "You don't want my presence anyways."

"Miss na kita." Rinig kong sambit niya.

I sighed. "I have to go."


Naglakad na nga ako paalis. Hindi naman sa iniiwasan ko siya, in fact I'd still love to tell her stories pero I hated how she always tell me how annoying I am. Edi fine, annoying naman pala ako so why bother.

Miss?

What a big word.


"Uyy." Sambit ni Ara sa akin kaya tinaasan ko naman siya ng kilay. "Aga aga nakabusangot na yang mukha mo." Sabay suntok niya nang mahina sa braso ko. Wala talaga akong gana nitong mga nakaraang araw. "Pinapabigay pala ni Lt. Daquis. Sabi niya ikaw na daw magreview nitong mga files na kailangan natin next week."

Kinuha ko naman ang folder sa kanya. "Ganun ba, nasan siya ngayon?" Tanong ko.

"Kausap ni Admiral Gonzaga. Nga pala, lunch out daw tayo sabi ni Beatriz. Sobrang stress na ata nung bata at siya na daw ang taya." Bahagi niya na ikinatawa ko.

"Ano? Suko na ba?" Tanong ko at tumawa rin siya.

"Malapit na ata. Pinapahirapan din ng kapatid mo sa training e." Dagdag niya.

Napailing naman ako. "Si Jovs talaga. Oh siya, sige. I'll be reading these muna, may atraso pa ako kay Lieutenant, ayoko nang dagdagan muna." Natatawa kong sambit patungkol noong nakaraang meeting.

"Ayan kasi, laging lutang ano nanaman ba iniisip mo?" usisa niya. 

"Ikaw." sabay kindat ko at hinampas naman niya ako. Tiningnan ko siya nang masama. 

"Tangina, kilabutan ka nga dyan." 

Natawa na lamang ako bago siya hatawin nang mas malakas, ano siya, sinuswerte? "As if naman papatulan kitang hayop ka. Sige na, see you mamayang lunch." 

"Alright, lieutenant." sabay saludo niya. Marunong pa palang gumalang. 


Nagtungo na nga ako sa desk ko at binasa itong mga updates about sa next mission namin. Fucking hell, I wish that we'd be safe because I honestly think that we would need more experts than planned. Although I know we could handle this, iniisip ko pa rin na kailangan namin mag-ingat. Hindi naman biro ang makipaglaban sa mga terorista sa may Cordillera. 

Mula sa aking peripheral view ay mas sumandal sa may divider ng kabilang desk kaya napaangat ako ng tingin. Heto talagang babaeng to paminsan ay sumusulpot na lang. Sana may paabiso diba? Nagwawala hormones ko dahil sa presensya niya.


"Lieutenant, napadaan ka?" tanong ko sa kanya. 

"Ready ka na ba?" tanong niya.

"Saan? Round 3?" Sa sinabi ko ay binatukan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Di porket mas mataas ka sakin ng isang rango e hindi na kita aatrasan." inis kong sagot sa kanya. Mahina lang naman, ayokong may makarinig ng mga pagsagot sagot ko sa kanya. "Lumayas layas ka sa harap ko kung ayaw mong kainin kita dyan." iritado kong sambit at nakatanggap nanaman ng panibagong batok. "Putangina!"

"Bunganga mo, lieutenant." kunot noo niyang sambit.

"Bakit ka kasi nananakit?" sabay himas ko sa ulo ko. "Miski sa harutan nananakit ka e." 

"Hindi ka ba titigil?" seryoso niyang tanong kaya inirapan ko siya. "Kulang ka ba sa sex kaya ka nagkakaganyan?" umismid naman siya. 

I scoffed. "Excuse me? Ako?" Para yatang naapakan ang pride ko nang ngumiti siya nang mapang-asar. "I can get anyone I want." pero ang totoo niyan, yung library pa ang huli.

She shrug. "Yun naman pala e. Anong kinakainit ng ulo mo?" nagulat naman ako nang pumwesto siya sa likod ko at minasahe ang balikat ko. Girl, hindi ako narerelax— mas nai-stress ako dahil parang biglang uminit. "Alam mo, if kulang ka, you could hit on me." then she slid her hands down sa hinaharap ko at pinisil iyon.

Gago, nahiya ako bigla. Mama! 

Tinanggal ko naman ang kamay niya at tumayo. "Alam mo? Ang harot mo." 

Tumawa naman siya. "Gusto mo naman." 

Jusko, gusto ko nang patulan kaharutan niya ngayong araw ha. 

"Lieutenant." I sighed.

Sumeryoso naman ang mukha niya at inayos ang kwelyo ng uniporme ko. "Ayusin mo yung ginagawa mo, okay? I want details mamayang hapon." 

"Teka! Ang dami nito." I pouted. 

She smiled. "And?" 

"Hindi kaya. Bukas ng umaga, iuuwi ko na lang to. Grabe, overtime pa." inis kong sagot. 

"I don't care." 

Ang sama! Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Bakit walang tao? But anyways. "Ah, wala palang paki ha." Niligpit ko ang papel at sinigurado ang pagkakalagay nito sa folder para hindi malaglag. "Don't look for me, I'll see you tomorrow with every details." I smiled at inatake ang leeg niya, I made sure na babakat yung hickey na iniwan ko. 

"What the hell?!" rinig kong sigaw niya habang nakatingin sa salamin na nakapatong sa desk ko.

"Bye, Lieutenant!" mabilis ko siyang iniwan. Bahala siya sa buhay niya. 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon