Maze 62: Ang daya mo

576 30 54
                                    




Jovs

After 3 weeks of therapy, nakakalakad naman na ako ng ako lang. All I have to do is strengthen my legs so I could run again kaya nandito ako ngayon sa gym sa loob ng crame.

I'm with Rachel, pero bakit pakiramdam ko ang layo layo na namin sa isa't-isa. Magkatabi nga kami habang nag-eexercise, pero bakit parang wala naman ang diwa niya rito.


"Hun, okay ka lang ba?" usisa ko. Tumingin naman siya sa akin at tumango. Ano ba ito? Isang tanong, isang sagot kami. "May problema ka ba?" tanong ko at tumigil sa pagtakbo dito sa threadmill. "Sabihin mo naman kasi nahihirapan na ako." ngumiti ako ng tipid. "Ang hirap mo nang intindihin."

She stepped out of the threadmill as well at pinunasan ang pawis niya. Lumapit naman ito sa akin, at nang nasa harap ko na siya ay bigla naman siyang ngumiti. "Ano bang sinasabi mo, hun?" sabay punas niya rin ng pawis ko.

Natigilan ako at tumingin sa kaniyang mga mata habang patuloy niyang pinupunasan ang pawis ko. Hinawakan ko ang wrist niya para pigilan siya at ibinaba iyon. "Rachel, sabihin mo naman sa akin kung anong problema. Pakiramdam ko kasi wala akong binalikan e. Nandyan ka, nasa tabi ko nga pero parang ang layo nang binabaybay mo."

Bumaba naman ang kanyang mga mata sa hawak kong kamay niya kaya binitawan ko iyon. "Jovs, nasanay lang akong wala ka. Masakit nung nawala ka, I can't dwell on that, or I'll die young sa battlefield. I'm sorry."

"Ano bang ihinihingi mo ng tawad? Yung panlalamig mo ng hindi sadya, o dahil may iba na?" Natawa ako before biting my lower lip at nagtaas naman siya ng tingin.

"Hindi ko lang alam paano kikilos sa harap mo." straight niyang sagot.

Naupo ako sa isang monoblock at sumandal doon. "Sino ba kailangan natin layuan para mabawi ka?" usisa ko. "Kasi kung ganun man, bigyan mo naman ako ng pagkakataong bawiin ka." nanginginig kong sambit. "Lumaban ako para sayo e, ano ba naman yung lumaban ka rin para sa atin?"

She sighed. "You're tired. Get some rest."

"Ayan, yung ganyan mo. Wala na tayong mareresolba niyan e." reklamo ko at napapikit nang mariin.

"Jovelyn, kung anu-ano nanaman naiisiip mo." iiling-iling nitong sambit.

"Kung mahal mo pa rin ako, halikan mo ako." utos ko.

Tumawa naman siya. "Ang baba naman ng basehan mo sa pag-ibig. Humakbang siya ng isa at hinawakan ang pisngi ko. "At ang dami mong sinasabi." then she kissed me.


And for the first time since coming back, I felt loved.

*****


Mika

Nagkatinginan kami ng kapatid ko, natigilan ako nang halikan siya ni Rad. Ngumiti ako at agad na umalis.

Bakit ako masasaktan? Ginusto ko 'to diba?


"Oh? Akala ko isasama mo si major Daquis?" tanong ni Ara.

Ngumiti ako. "May session sila ni tinyente." sabay tawa ko. She put up a frown at yumakap sa akin. "Huy ano ba, Victonara. Bitawan mo nga ako." utos ko sa kanya at tinulak siya nang bahagya.

"Alam ko namang nasasaktan ka e. You fucking need that, captain." sabay tawa niya.


Napailing na lamang ako at nagtungo na sa parking. May inutos lang naman si dad, sabi niya isama ko daw si major Daquis pero mukhang makakaistorbo lang ako sa ginagawa nila kaya hindi bale na lang. Okay naman na siguro na kami na lamang ni Ara ang pumunta doon. Siya na nga rin ang nagpresintang magdrive para daw makapagmuni-muni ako. Napailing na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana. Ayaw ko man ay doon din ako napunta.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon