Maze 12: Malanding Lieutenant(s)

701 32 61
                                    


Jovs

Nabalitaan ko ang nangyari kaya naman hindi ako mapakali habang naghihintay dito sa crame. I know how good she is kaya naman parang impossible na natamaan siya.

They're here.

Tinulungan naman siya ni Kim makababa. Gusto ko na siyang lapitan pero bago iyon ay nilapitan ko muna si Mika at niyakap.


"Uy." Bakas ang gulat sa kanya. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong niya dahil halos alas otso na rin ng gabi.

"Hinihintay ko kayo." Sagot ko. "Pero aalis na rin siguro ako agad. Dala mo kotse mo diba?"

Tumango naman siya. "Yeah. Nabulok na nga ata sa parking." Sabay tawa niya dahil apat na araw rin silang wala. "Mauuna na muna ako, magrereport pa ako kay Gen. Fajardo. Ingat ka." Sabay tap niya sa braso ko.

"Sure. Ikaw din."

Lumapit naman siya kay Rachel. "Ano? Masakit pa?" Usisa nito at nginitian naman siya ni Rachel, which I find odd. "I asked Ara to bring you sa hospital."

"Hindi na kailangan, napakalayo nito sa bituka." Sagot ni Rachel.

"No buts, okay? I'll report in your behalf. Magpagaling ka." Sabay pat niya sa ulo nito.

Rachel sighed kaya nilapitan ko siya. "Hey, what happened?" Usisa ko.

She smiled. "Wala naman, normal encounters. Hindi naman maiiwasan yun." Sagot niya.

I helped her na makaupo sa wheelchair. "I'm taking you sa ambulance, nandito na kanina pa." wika ko.

"Pero kaya ko naman maglakad, Jovs."

"Lieutenant, okay lang humingi ng tulong sa iba, okay?" Sagot ko at ginulo ang buhok niya. "Isa pa, ang sugat hindi dapat ini-stress para mas mabilis gumaling."


Wala na rin siyang nagawa at sumimangot na lamang. She's willing to give her life para sa iba, ayaw niya na pakiramdam niya ay pabigat siya. Prideful yet so down to earth, how could someone be like that?

Nang makarating kami sa hospital ay agad naman siyang inattendan ng doctor roon. Tinahi ang sugat niya na gawa ng bala at binigyan siya ng dalawang araw na confinement para mamonitor daw, ewan ko ba, pwede naman nang iuwi si Rachel— pero dahil sabi ni doc, fine.

Sabi ko kay dad kapag ganyang mga mission ay wag niyang kakalimutan magpadala ng first aid team, ayaw talaga niyang makinig sa akin paminsan. Hihintayin pa ba niyang matamaan si Mika bago niya gawin yun?

Dahil tulog pa si Rachel ay lumabas muna ako para bumili ng makakain naming dalawa, binili ko na rin ang mga gamot na binigay ni Doc. Saktong pagbalik ko ay nagising na rin naman siya kaya agad ko siya nilapitan para kumustahin.


"I'm fine, lieutenant. Malyo sa bituka to." Sabay tawa niya. "Pahingi naman ng tubig oh."

Kumuha ako ng tubig at iniabot sa kanya iyon. Napailing na lmang ako at inilabas ang binili kong pagkain. "Alam kong gutom ka, eat up."

"Teka, anong oras na ba? Bakit nandito ka pa?" Tanong niya.

Nginitian ko naman siya. "Ako muna bantay mo for tonight. Alas dos na rin ng madaling araw."

"Wala ka bang pasok?"

Umiling ako. "May site visit kami sa Cebu, 11 hundred hours kami aalis."

Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko saka ako nginitian. "Thank you, I appreciate this."

I can't help but smile. "Anything for you. Kain ka na." I tapped her chin up na ikinainis nito at pinalo ako. "Masungit pa rin."

"Pasalamat ka thankful ako ngayon sayo. Kung nandito si mom, papaalisin kita." Pagsusungit pa rin niya na ikinatawa ko.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon