Maze 27: Oo nga pala

523 30 23
                                    



Mika

Napabuntong hininga na lamang ako bago bumababa ng kotse. Heto nanaman ako, haharapin ko nanaman ang magulong mundo ng mga sundalo. Bumaba na ako at dumiretso sa office ni admiral, tutal alas nuebe na rin naman, malamang ay naririto na yun. Kumatok ako sa kanyang opisina at sinabi niyang maaari akong tumuloy kaya pumasok na ako.


"Goodmorning, dad." bati ko sa kanya na halatang kinagulat niya.

"M-maupo ka muna, anak." sambit nito kaya naupo naman nga ako. "Kumusta ka? Hindi ka man lang sumasagot sa tawag at text namin sayo."

"Tanong ba yan as officer or as father?" malumanay kong tanong. Sinigurado ko lang para alam ko yung isasagot ko.

"Anak, nag-aalala rin naman ako sayo."

Napabuntong hininga naman ako. "Dad, gusto ko lang lumayo sa lahat ng nakasakit sa akin. Sabi niyo time for healing, madami naman akong narealize nung malayo ako sa inyong lahat." ngumiti ako ng tipid. "And for the admiral, you gave me an indefinite leave dahil sa nangyaring hostage taking, mali naman siguro kung pagrereportin mo ako agad for duty diba?" sabay tawa ko ng bahagya.

"I was just worried, wala kaming balita sayo. Miski ang mommy mo hindi ako sinasagot." sambit niya.

"Kasi I told her not to. You really didn't have to worry about me, dad. If you're worried sa mga tumatakbo sa utak ko, I'm perfectly fine." I rested my arms on his table before resting my head on it. "Honestly, dad, I was just too broken kaya ako biglang umalis agad. Kung kailan ready na ako magmahal ulit, hindi naman pwede." pag-amin ko. I don't know, maybe he could help.

"Lalaki na ba yan this time?" at tumawa naman siya nang irapan ko siya. I tried dating once or twice pero nah, I can't. "Parte yan ng buhay, anak. Madaming tao sa mundo, hindi naman lahat maswerte, na sa unang subok ay iyon na talaga." payo nito at tinapik ang ulo ko.

"Dad." I called him at tiningnan siya sa mata. "I'm sorry, for everything."

"Mas marami akong kasalanan sayo, Mika. How about mag billiards tayo sa bahay? Ang matalo manlilibre?" ngumiti naman ito.

I nodded at umayos na ng upo. "Sure, wag kang iiyak kapag natalo ka." pagyayabang ko at natawa naman ito.

"You wish, young lady. Oo nga pala, are you in for a new mission or dito ka lang muna sa office? Hindi kita pipilitin but I just need someone na makakasama sana ni Lt. Daquis sa isang raid. Kinuha kasi ni Colonel de Leon ang kapatid mo." wika niya.

Ah, second option.

"Okay naman, dad. Work is work and like I told you, I'm pretty fine. Magaling na rin naman na ang mga sugat ko." tugon ko.

"That's good to hear. Hindi ko maipagkatiwala ang girlfriend ng kapatid mo sa iba e." sabay tawa nito, not knowing that sa pagkatiwala niya sa akin ng misyon na ito, he's pouring more pain in me. Pero gaya nga ng sabi ko, work is work. "Puntahan mo nalang si Lt. Daquis, I guess she's in her office right now."

Tumayo naman ako at sumaludo na. "Copy that, admiral."


Lumabas na rin ako ng opisina ni dad at nagdadalawang isip kung pupuntahan ko ba si Lt. Daquis or what. Hindi pa ako handang makita siyang muli, sa totoo lang, kaya naman nagtungo na lamang ako sa library para magbasa-basa muna.

Wala pang trenta minutos ay may pumasok. Alam mo yung umiiwas ka pero parang may tumutulak sa inyo papalapit sa isa't-isa? Nakakapikon e, kahapon pa kasi.


"You're here." sambit niya habang dala-dala ang ilang libro. Tumayo naman ako at tinulungan siya sa kanyang mga dalahin. "T-thanks." medyo nagulat niyang sambit at binalik ko na rin sa mga shelves nila itong libro, kabisado ko naman na din halos kasi yung narito. "About yesterday." panimula niya kaya tiningnan ko siya.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon