Maze 36: Bahala na

607 27 64
                                    



Mika

"Aray!" hinimas ko naman ang ulo ko dahil binatukan ako ni lieutenant. "Ano nanaman bang problema mo?" tanong ko.

Sumalampak naman siya ng upo na para bang pagod na pagod na siya sa buhay niya. "I shouldn't be saying this, but the admiral is giving me more and more loads." she pouted.

"Dahil ba hindi ka pa rin tumitigil sa pakikipagkaibigan sa akin?" natawa naman ako. "Then just stop. Atleast dito sa crame, we could be friends outside naman."

Umirap naman siya. "Hindi ako pinalaking ganun ng nanay ko, Mika. You should stand firm sa mga pinaniniwalaan mo, he's just being childish." sagot nito at umayos ng upo. "Bakit nandito ka nanaman sa library?"

I shrug. "I don't have work to do. Perks of not being under the admiral." sabay tawa ko at sumimangot naman ito. "Actually, sasamahan ko si General Fajardo bukas sa isang drug related operation kaya ipinasa niya nalang sa iba yung dapat kong gagawin."

"Bakit yung kapatid mo hindi naman nagrereklamo noon sa mga binibigay ng tatay niyo, ako ngayon hindi na magkanda-ugaga." kwento pa nito.

Ginulo ko naman ang buhok niya. "Alam mo naman yun, magrereklamo lang yun pagdating sakin." sabay shrug ko. "Wala e, spoiled ata ako sa kanya."

Umirap naman ito. "Ayoko na." sabay dukdok niya ng ulo niya sa mga braso niyang nasa lamesa.

"Tara na, tutulungan na kita sa ginagawa mo." tumayo naman ako at niligpit ang gamit ko. She looked at me na para bang iiyak na siya sa saya kaya natawa ako. "Lieutenant, hindi bagay sayo."

"Okay lang sayo mag-overtime?" ngiting-ngiti nitong tanong. "Drinks on m after. Say yes, please?"

Napatingin naman ako sa aking wristwatch. Mag-aala una palang talaga. "Ganun kadami?! Mahaba pa ang hapon." Tumango naman siya at kumapit sa braso ko. "Oo na, oo na. Konti lang din iinumin ko ha." sabay hatak nito sa akin papunta sa office niya.


Totoo ngang madaming pinapagawa sa kanya, sa kalagitnaan nga ng ginagawa namin ay may idinagdag pa sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ito at hinilot ang sentido niya sa inis. Pakiramdam ko ay gusto niya nang bigwasan si admiral, I'm happy to help tho.

Alas otso na kami natapos sa ginagawa namin kaya naman halos baliin niya na ang katawan sa pag stretching.


"Ehem, Mika." tawag niya kaya napatingin ako sa kanya at tinuro niya ang gilid ng labi niya kaya agad akong nagpahid ng labi. Bigla itong tumawa kaya binato ko siya ng panyo ko. "Kung makatingin ka naman kasi! Ano ako, dessert?" sabay ngisi nito.

"Gago." sagot ko. "Tara na."

"Uyy, miss mo?"

I look at her horridly. Tangina neto, bat niya alam? Charot. "Magtigil ka nga, tenyente."

Tumawa naman siya. "Mika, napakagrumpy. When was your last time? Ako pa?" sabay tawa nito. Halos mamula ang mukha ko dahil, tama siya e.

"Hindi naman kasi ako nanghaharot!" sabay lakad ko ng mabilis at tawang-tawa naman ang kasama ko. "Ge, tawa pa. Kabagin ka sana." sabay irap ko dito.

"Oh gosh, Mika." napahawak na ito sa tyan niya kakatawa. "Teka! Hintay!"

"Bahala ka sa buhay mo." sagot ko.

Pinisil naman niya ang pisngi ko nang maabutan niya ako. "Hanapan na nga kasi kita, ano bang tipo mo?"

Tiningnan ko naman siya.

Wala. Ikaw lang namang gusto ko.

"I don't need someone right now, lieutenant." sagot ko.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon