Maze 35: Life must go on

537 23 39
                                    


Rachel

They're back, at nang malaman ko na hindi nila kasama si Jovs ay agad akong naiyak. Who wouldn't kung nawawala ang mahal nila? Sabi nila, kasama niya si Mika tumakbo, kasama niya si Mika tumakas, but only Mika made it out. Sabi nila nakita nilang duguan si Mika, hitting her head in a stone when she collapsed according to de Leon.

Ayokong maniwala sa mga sinasabi nila, na kasalanan ni Mika. She's always misunderstood because of her actions, pero alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya. Alam ko rin how she takes her job. Hindi ko lang talaga mawari kung bakit, paano at anong nangyari.

Dinalaw ko pa si Mika sa hospital, she hasn't woken up since yesterday nang makauwi sila. Tiningnan ko lamang siya while she sleeps. Gusto ko siyang tanungin kung totoo bang pinabayaan niya ang kapatid niya, pero kung aalalahanin ko noong nahostage kami, hindi niya hahayaan yun. Lagi niyang uunshin ang kapakanan ng iba bago ang kanya.

I caressed her face at hinawakan ang kamay niya, and dami niyang sugat pati na rin galos. Napabuntong hininga na lamang ako.

Please wake up and tell me what happened.

*****


Nagulat ako nang makita ko si Mika ngayon sa crame, agad kong tinawagan ang mga bantay niya, natakasan naman pala sila. Narinig ko naman ang usapan nila, pero hindi ko rin magawang harapin si Mika.

Hindi ko siya sinisisi pero a part of me wants to, and I feel guilty for that.

She asked me to tell her na hindi ako naniniwala sa kanila. I wanted to tell her na hindi, but my mouth spoke bago pa ako makapag-isip.

And what if I do?

Anong katangahan iyon? Ramdam ko at kita ko sa mga mata kong nasaktan siya. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa aking nasabi pero hindi ko magawa. I was too scared, too scared na malaman na siya talaga ang dahilan. We argued, until she collapsed once more kaya dinala ko siya sa infirmary. Nakita iyon ni admiral, pero hindi man lang siya nag-alala, hindi man lang niya ako tinulungan.


"Mika?" Sambit ni Nurse Den nang makita kami. "Isn't she resting sa hospital?" agad naman niya akong dinaluhan at tinulungan.

"Nakatakas siya e." Sagot ko nang mailagay ko siya sa kama.

Nilagyan naman siya ng swero at muling nilinis saka ginamot ang mga sugat nito. "You can go, Lieutenant." Sambit ni nurse Den.

"I'm staying." Sagot ko at kumuha ng upuan para bantayan si Mika. I held her hand and brushed the back of it with my thumb. "I'm sorry." Bulong ko habang nakatingin sa kanya.

"Lieutenant, kaya ko naman bantayan si Mika." Sambit ni Nurse Den.


I sighed at tiningnan lang siya, I'm staying hanggang magising si Mika.

It was after 3 hours nang magising siya, tiningnan niya lang ako ng may lungkot at naupo. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang bumaba sa kama.


"Ihahatid na kita." Sambit ko.

"Wag na." Agad niyang pagtanggi.

"Let's talk. I need some explanations." Matigas kong sagot.

She sighed. "Kausapin mo nalang ako kapag handa kang marinig ang katotohanan."

"Teka, Mika." Pagtawag sa kanya ni nurse Den. "Magpahinga ka muna, hindi ka pa mga nadidischarge sa hospital e."

"Kaya ko sarili ko." Malamig na tugon nito.


Naglakad na siya palabas at sinabayan ko lamang siya. Medyo hirap siya sa paglalakad dahil na rin siguro sa mga sugat niya. Napabuntong hininga na lamang ako, I felt bad for saying those words to her.


LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon