MikaInaayos ni mommy ang uniporme ko habang suot ang ngiti na kanina pa hindi mawala-wala sa kanyang labi. Napailing na lamang ako at yumakap sa kanya kaya't hinampas niya ako dahil magugulo nanaman daw ang uniporme ko. Napaka-OC naman.
Napabuntong hininga na lamang siya nang hindi ako agad bumitaw at yumakap pabalik. "Sobrang proud ako sayo, anak." Sambit niya at kinurot ang tagiliran ko.
"Ma, alam ko naman yun. Kahit wala namang okasyon sinasabi mo sa akin yan." Sabay halik ko sa pisngi niya. "I love you, Ma. Mahal na mahal kita." Nagmakeface naman ito at hinampas pbaba ang hat ko. I smiled at muling yumakap sa kanya.
"Long time no see." Wika ng kilalang boses kaya nilingon ko ito.
Ngumiti naman si mommy. "Inaalagaan mo ba ang anak ko dito?" Tanong niya.
Napatingin naman sa akin si admiral. "Malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya." Sagot nito. "Excuse me."
Tumingin naman sa akin si mommy. "Umamin ka, sa condo ka umuuwi palagi noh?"
I pursed my lips at tumango. "I don't have any reason to stay sa bahay na iyon. Nagpapadala naman ako sa bank account ni dad every sweldo, binilang ko naman yung utang ko sa pagpapatuloy niya sa akin e."
"Mika." My mom looks so disappointed.
"Ma, anak niya lang ako kapag good mood siya." Malungkot pero hindi naman na ako nadismaya sa sarili kong sagot. "Tara na sa loob?" Tanong ko. Ngumiti naman ito at tinapik tapik ang balikat ko.
Pumasok na kami ni mommy sa loob at naupo sa designated seat namin. Nanatili lang akong nakayuko dahil medyo nahihiya talaga ako kahit wala naman ako dapat ikahiya. Nakakaasar lang dahil hindi nanaman maiwasan makarinig ng mga bulung-bulungan na kesyo anak ng admiral or what, idagdag mo pa na babae ako. Men are easily trigerred kapag dominated industry nila tapos mauungusan ng babae.
Tss.
Men and their superiority complex.
Humanay na kaming up for promotion, hindi ko na rin alam dahil wala na akong napansin ngayon sa mga katabi ko, pakiramdam ko ay nabingi na rin ako dahil sa sinabi ni General Fajardo.
"And for all your hardwork, Lt. Reyes." Ngumiti siya, hawak hawak ang pin na ikakabit niya. "Congratulations, the heads agreed to give you double promotion because of your service. Bayan bago sarili." kinabit niya na ang pin and he offered his hand kaya agad ko rin itong kinuha para makipagkamay. "I'm proud of you, Captain Reyes." wika nito.
Napatingin ako kay dad, his look has soften pero hindi ko pa rin siya maintindihan. But then again, he caught me staring at him. Tumingin lang siya sa akin at napabuntong hininga bago ako ngitian— yung ngiting alam mong totoo, kaya hindi ko rin napigilan ang sarili kong ngumiti kahit pa ba may alitan kami.
Double promotion.
Hindi ko naisip na pwede pala 'to.
This one's for you, ate.
Natapos na ang seremonyas kaya agad akong lumapit kay mommy at pinakita ang bago kong pin. Pinisil naman niya ang pisngi ko saka yumakap sa akin at ginulo ang buhok ko. I love the atmosphere around mommy, as always, her acts never failed to show how much she cares for me.
"Captain." tawag ni admiral kaya sumaludo ako sa kanya at ganun din siya. "Congrats." he smiled panandilian, still as prideful as ever.
"Thank you, admiral." sagot ko.
"How about dinner?" tanong niya. Tumingin ako kay mommy and she gestured me to go. "Pwede kang sumama, Bhaby. My wife would be there din naman, ofcourse." wika nito. He has no worries since okay naman si tita at si mommy, alam nila parehas na si dad ang may kasalanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/174268520-288-k55451.jpg)
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...