Maze 61: Bahala na

640 29 58
                                    




Rachel

"Come on, you can do it." pagpilit ko kay Jovs habang ihinahakbang ang mga paa niya. Although nakakalakad naman na siya sa tulong ng crane ay sinusubukan pa rin namin i-beat ang naset niyang time of walking last time. "You're almost there." sambit ko at pinipilit pa rin niya ang sarili.

"Fuck, let's go, legs." sabay tawa niya kaya natawa na lamang din ako.


I crossed my arms and continued looking at her.

Do I feel guilty about abandoning our love so easily nung nawala siya?

No.

Do I feel guilty kasi nahulog ako sa iba noong mga panahong nag-aagaw buhay siya?

Still a no.

Do I feel guilty dahil nagawa ko siyang palitan agad?

No.

But I do feel sad for her, for us.

Hindi naman ako nanghihinayang na sa amin, I just feel sad that we— I mean, I lost it along the way. Na parang sa maikling panahon ay tinakbuhan ko ang lahat sa amin, iniwan— just because I thought she was dead.

Hindi ko alam kung minadali ko ba ang aking sarili para makalimutan yung sakit, o hindi ko lang din napansin noon na may kakaibang nararamdaman na pala ako kay Mika bago pa maging kami ni Jovs. If I could have been more honest with myself, I knew Mika's something.


Nakaramdam naman ako ng yakap. "Finally!" Sigaw niya habang humahangos. "I did it, hun." Inilapit niya pa ang mukha niya para humalik pero agad akong nakaiwas. Her eyes looked hurt pero nagawa niyang ngumiti. "Right, pawisan ako." Sabay tawa niya at kinuha ang crane niyang nasa tabi ko. "Saan tayo kakain?" Tanong niya.

"I'm sorry, Jovs. Kailangan kong pumunta sa crame, I really have lots of work to do. I'm really sorry." Sambit ko.

She pursed her lips before smiling with pain. "Muntik ko nang makalimutan yan." Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Ingat ka, wag mo na rin pala ako samahan next time. Mas kailangan ka ng bayan."

Napabuntong hininga ako at humalik sa pisngi niya. "Kaya mo yan."

"Oo naman, ako pa ba?"


She helped herself na makaalis ng kwarto, hanggang makaalis kami ng hospital. Dinala ng driver niya yung sasakyan ko kaya naman hindi ko na kailangan pang bumalik sa kanila.

She looked so sad, pero hindi ko kayang magkunwari. I'm doing this as a friend, wala na talaga akong maramdaman.


"Hun." Tawag niya nang makasakay siya.

"Hmm?"

"Mahal kita." Sabay ngiti niya ng mapait.

I nodded. "I do too." But as a friend. "Ingat kayo."

"Ikaw din, papakasalan pa kita." Sabay kindat niya. Napailing na lang ako and waved goodbye.


I'm sorry, Jovs. I really am.

*****

Jovs

Ramdam ko naman, pero ayoko lang maniwala. Baka nanibago lang siya na nandito ako muli. Yung inakala niyang patay ay kasabay niya lang din humihinga ngayon.


"May mali ba akong nagawa?" Tanong ko sa kanya. Nanatili siyang tahimik, nakikinig sa kwento ko. "Kasi pakiramdam ko wala akong binalikan e." I bit my lip at uminom.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon