Maze 28: Malay mo, tayo

499 27 37
                                    


Jovs

"You all set, hun?" tanong ko kay Rachel habang nagliligpit ng gamit niya. 

Tumayo naman ito matapos isara ang bag niya. "Yes, ikaw ba? Nakapagpack ka na ba ng dadalhin mo?" tanong nito.

"Oo naman, kagabi pa since I have to help you run errands today." sabay tawa ko at yumakap mula sa likod niya. "Next time, remind me to join you in your mission. Kinda envy Mika na nakakasama ka niya e." 

Hinampas naman niya ako ng mahina. "Ikaw naman kasi, masyado mong ginagalingan kaya ikaw gusto makasama sa mission." 

I placed my chin on her shoulder. "It was supposed to be Mika, pero since mas mataas rank ni Colonel sa inyo and he doesn't want to compromise Mika's mental health for a while e ako ang nahatak." 

"Di bale, we'll be joining mission sooner." wika nito at tinapik ang kamay kong nasa bewang niya kaya niluwagan ko iyon at hinarap niya ako. "Mag-iingat ka." 

"Kayo rin, magkasama nanaman kayo, mas matindi yung kaba ko kasi dalawa sa pinakaimportanteng tao sa akin yung sabay na nanganganib." I pouted at tinawanan naman niya ako. 

"Trust me, I won't let you feel that again." then she kissed me, passionately. "I love you, my lieutenant." she smiled at niyakap ako. I just love how soft she becomes around me. 

"I love you more. How long will you be gone?" tanong ko sa kanya. 

"Hopefully, 5 days lang." sambit niya. 

"Ang tagal naman lieutenant, lagi mo akong pinaghihintay." sabay tawa ko. 

"Ang arte naman!" sabay kurot niya sa akin. "Tara na nga sa labas nang makakain na tayo." hinawakan naman niya ang kamay ko at hinatak na ako papalabas.

*****


"Mika?" sabay katok ko sa pintuan ng kwarto niya. 

"Oy? Bukas yan." sagot niya kaya inikot ko na ang knob. 

"You look like your old self." kumento ko at natawa siya. 

"What? I was never gone. Sabi ko naman sa inyo, okay lang ako. Hindi naman ako takot mamatay sa labanan, Jovelyn." sabay tawa nito at binutones na ang kanyang uniporme. "Ano? Aalis na ba tayo?" tanong niya. 

"Tapos ka na ba?" tanong ko at tumango naman ito. "Tara."


Sumakay na siya sa sasakyan ko at nagpunta na rin kami sa crame. Agad naman siyang nagpunta kay dad kaya chineck ko na rin kung nakarating na si Rachel sa opisina niya. Hindi naman ako nagkamali dahil nakaupo siya sa desk niya, reviewing some papers


"Hey." pagtawag ko sa pansin niya at agad niyang binaba ang hawak niya at nginitian ako, opening her arms for me kaya agad ko siyang niyakap. "Goodmorning, hun." 

"Goodmorning to you too, hun." sabay halik niya sa pisngi ko. "Nakapagbreakfast ka ba? If not, I bought us some pancakes." 

"I'm in for that." sagot ko.


After namin kumain ay hinatid ko na rin siya sa military truck na sasakyan nila dahil mauuna silang umalis sa amin. Mika was also there, cap on her face, probably sleeping kaya napailing na lang ako. 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon