MikaHave you ever woke up feeling full of yesterday's event?
If not, damn. I'll tell you what's it like.
Pakiramdam mo panaginip lang ang lahat and then you'll see something that would pull you back in reality, making you realize that No, this isn't a dream.
Ngumiti siya ng malapad at niyakap ako ng mas mahigpit. She gave me light kisses sa aking leeg kaya natawa ako dahil nakiliti ako. Natawa na lamang din siya at inayos ang pagkakahiga, resting her head in my chest.
I'm one lucky kid.
*****
"Ano balak mo ngayong pasko, babe?" Tanong sa akin ni Rad habang kumakain kami ng lunch.
"Sa condo lang siguro or baka dito ako sa crame mag pasko." Simple kong sagot sa kanya.
Ayoko kasing umuwi kay mama dahil pag uusapan lang ako ng mga chismosa niyang kapitbahay at kamag anak. Ayaw din naman niyang pumunta sa akin dahil may reunion ang pamilya niya sa pasko na matagal na din naka schedule. So I told her na sa bagong taon na lamang ako uuwi.
"On call ka ba?" Kunot ang noo niyang tanong sa akin.
"Ako na sumalo. Si Capt. Molina na kasi nag on call dati. Baka magtampo pa mga anak nun pag pati pasko siya uli ang tatawagin pag kinulang sa tao." Natatawa kong sambit.
"Ang bait naman ni Captain Reyes." Siniko siko niya ako sa tagiliran.
"Hindi naman. Wala lang din naman akong pupuntahan."
"Uuwi sila Admiral sa hometown niya, hindi ka ba sasama?"
I sighed. Niyaya naman niya ako and okay naman na din kami ni dad. Kaya lang ayoko sumama, wala naman dun ang kapatid ko. "I declined." Simple kong sagot.
Ramdam din siguro niya ang pagbabago ng mood ko kaya iniba na niya ang topic.
At medyo bastos din talaga ang bunganga ng babaeng to. Tanungin daw ba ako kung gusto kong painitin nalang niya ang pasko ko while giving me that suggestive look.
Maharot lang po, Major?
Kinurot ko siya sa tagiliran. Actually, since getting together, we never did it. Unlike nung una niyang salta dito sa crame na halos kung saan nalang hehe. Oh my gosh, hiyang hiya ako sa library, bwisit siya.
"Tigilan mo ako, Major." Sabay irap ko sa kanya.
Tumawa nanaman siya. "Kunyari ka pa!"
"Ang kapal ha!" Angil ko.
"Hay, Mika." She smiled. "You make my world colorful." That made me feel giddy. "I love you, babe." Sabay pisil niya sa pisngi ko.
*****
I was sleeping peacefully nang bigla akong bulabugin ng aking doorbell. Balita ko peaceful naman daw sa crame kaya bakit may nanggugulo sa akin?
Itinakip ko ang unan sa aking ulo para hindi ko marinig, hoping that the person will just go away.
Alas!
It was useless and the person was relentless kaya tumayo na ako.
"Don't you know that it's only 2am?" Sabi ko with my groggy voice pa nang buksan ko ang aking pinto. Nagkukusot pa ako ng aking mata.
"I know."
Nagising naman yata ako bigla dahil sa narinig ko. "Rad, anong oras na? Bakit pagala-gala ka pa?" Kunot noo kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/174268520-288-k55451.jpg)
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...