MikaPinapanood ko si Rad mag-ayos ng buhok niya. She'll receive another promotion, which she deserves, kaya nandito ako para i-bash siya.
Joke!
I'm one hella proud girlfriend.
Lumapit ako sa kanya at tumingin naman siya sa aking mga mata sa salamin kaya ipinahinga ko ang baba ko sa balikat niya at yumakap sa kanyang bewang.
"Congrats, babe." Wika ko at ngumiti habang nakatingin rin sa kanyang mata mula sa salamin. "Overdue na 'tong promotion mo, sa totoo lang." sabay tawa naming dalawa at napayakap naman ako sa kanya ng mas mahigpit. "And your missions will get tougher." I pouted.
Kumunot naman ang noo nito. "Mika, isasama kita sa akin. Hindi lang ako dapat mahirapan dito." Sabay tawa niyang muli. "Do I look good?" tanong niya.
She parted her hair sa gitna at parang dinilaan ng baka ang buhok nito. Infairness, mukhang kagalang-galang na opisyal ang mahal ko. "As always." I chuckled at humalik sa pisngi niya. Kinuha ko naman ang military hat niya at ipinatong ito sa akin. "Let's go na ba?"
"Sasama ka talaga?" usisa niya.
"I wouldn't miss it for the world, babe." sagot ko at hinawakan na ang kamay niya.
"Pero si admiral, baka mapansin niya?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi naman niya iniintindi ang sasabihin sa kanya ni admiral. It's me she's thinking, alam niyang ako nanaman ang aatakihin ni dad kapag nalaman niya kung anong meron sa amin.
Nginitian ko siya at marahang pinisil ang pisngi. "Wag mo kong intindihin, babe." sabay tawa ko at tumingin sa labi niyang ngayon ay pulang-pula. "I want to ruin your lipstick, alam mo ba yun?" sabay ismid ko.
"You can't, this is matte." sabay ismid niya rin pabalik before holding my nape to bring me closer to her. "Kiss me all you want, pero mamaya na." hinampas naman ako nito at tumawa. "Mahirap mag-ayos ng buhok, Mika."
"Fine." sabay halik ko ng mabilis sa kanyang pisngi. "Tara, tapos naman na siguro si tita."
Nakauniform na din si tita at ready na din umalis. Pero dahil may edad na ay nakalimutan pa ang kanyang lipstick kaya dali-dali niya itong binalikan. Ayaw na sana siyang pabalikin ni Rad pero magtatalo pa ba sila e anong oras na.
Pumunta na rin kami sa crame at agad nagtungo sa ceremony hall. Nasa sampu rin silang bibigyan ng promotion, naupo ako sa dulo at si tita naman sa harap. Nakangiti lang ako sa kanya habang sinasabit na yung pin niya. She gave me a wide smile after niyang saluduhan si admiral.
After ng picture taking ay lumapit siya sa akin, but we both knew what's best for us kaya we acted as civil as we could. Ngumiti lang siya at pinakita ang pin sa akin para yabangan ako.
"Deserve mo yan, Major Daquis." sambit ko. "Shet, I'm feeling surreal for you." sabay tawa ko. Hindi ko maikubli yung saya ko para sa kanya dahil pangarap niya 'to e. Although to serve her countrymen yung goal niya talaga, alam kong this extra achievement is still meaningful to her. "Gusto kitang yakapin, pero mamaya na." bulong ko dahil papalapit ngayon sa amin si admiral.
"Congrats again, Major." sambit ni admiral.
"Thank you, admiral." nakangiting sagot ng girlfriend ko. Nangangati na nga akong hawakan ang bewang niya to show owneship dahil may mga nakatingin nanaman sa kanya.
"Captain Reyes." tumingin naman siya sa akin with those bored eyes. "You seem so close, sa girlfriend ng kapatid mo." he smiled with no emotions at all.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...