Jovs
"Kumusta pakikipag-usap niyo sa mga rebelde?" tanong ko kay dad.
He was fidgeting his fingers sa kanyang lamesa. "I tried my best and I think it's good."
"Dad, I think you should rest. Parang hindi ka pa nakakapagpahinga nang maayos." nag-aalala kong sambit sa kanya.
"It's been three weeks, anak. I can't imagine how they treat your sister. I— I—"
"Dad." pagkuha ko sa atensyon niya. "Si Mika yun, she knows better. You know how good she is, just trust her, okay?" pagkumbinsi ko sa kanya.
He nodded at tumayo. Inalalayan ko na rin siya dahil miski ang pagkain ng maayos ay hindi niya magawa, madalas siyang nagpapalipas ng gutom. Hinatid ko na nga muna siya sa bahay para makapagpahinga kahit papaano.
Iniimbestigahan naman nila si Santillan, suspended siya for the mean time which really meant a lot. Mula planning to operations, inilipat ang mga nasa hanay niya pansamantala under my supervision.
Agad naman din akong bumalik sa office at napadaan sa office ni Rachel. Sobrang miss ko na siya. Pumunta ako kay tita para kunin ang susi ng kanyang opisina, nilinis ko muna iyon para naman wala na siyang isipin sa kanyang pag-uwi.
Napatingin ako sa desk niya, I was surprise nang makita ko ang picture naming dalawa sa isang frame. I traced her figure.
Babalik ka.
Babalik.
*****
"Lieutenant!" rinig kong sigaw ni Ara at agad siyang lumapit sa akin. "May balita na ba kay Mika?" tanong niya.
"Wala pa e. But they're okay, atleast for now." Dagdag ko dahil pinarinig pa nila kay dad ang boses ni Mika at Rachel noong last phone call namin sa kanila. "We're getting the deal done, they'll be freed."
"That's nice to hear. Makakauwi naman siya diba?" nanginginig ang labi niyang tanong.
I opened my arms for her at agad naman siyang yumakap sa akin. She has been friends with Mika since elementary days kaya alam ko yung takot na nararamdaman niya. Marahan kong hinaplos ang likod niya dahil nagsisimula na siyang humikbi.
"She'll be fine, si Mika pa ba?" Pagpapagaan ko ng loob niya. My throat went dry. Pagod na rin akong sabihing kakayanin niya, dahil sa totoo niyan ay takot na takot na rin ako. Yumakap ako pabalik kay Ara. "Makakabalik siya, makakabalik sila."
"Jovs, sana pinigilan ko si Mika." Sa narinig ay napakunot ang noo ko. "Sana hindi ko nalang hinayaan na isuko niya ang sarili niya." Humiwalay ito sa akin kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. I knew it. Mika would disperse her troop.
"Nakita niya si Lt. Rachel na nahuli,and she thought it would be better na sumuko na lang din siya para samahan si Lieutenant." Wika niya kaya parang nanghina ang tuhod ko.
"Pero alam niyang mababa ang tyansa na parehas silang makakaligtas." Napahilamos ako ng kamay sa mukha. Madalas isa lang ang nakakauwi ng buhay, we're still their enemies. "Ano bang pumasok sa kokote niya?" Kunot noo kong tanong.
"Ofcourse, anak siya ng admiral." Singit ni Santillan with his civilian clothes on. "Alam niyang ililigtas siya ng tatay niya. Bida bida naman yang kapatid mo."
I smirked. "Santillan, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo." Nag-iinit nanaman ag dugo ko. Kung pwede ko lang patayin ang taong to, ora mismo hihiga siya sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...
