Jovs
"Gaano kayo ulit katagal dun?" tanong ko kay Rachel habang tinutulungan siya magtupi ng ilang damit na gagamitin niya.
Tumingin naman siya sa akin at tinawanan ako. "One week na yung pinakamababa, depende rin kasi sa panahon." sagot naman niya kaya tumango-tango ako.
"Ang tagal naman." I pouted at umiling naman siya.
"Parang bata, Jovelyn. Akala mo naman wala siyang misyon e." Lumapit naman siya at ngayo'y nakaupo na sa harap ko. "Saglit lang naman yun." sabay pisil niya sa pisngi ko. "Makakapaghintay ka naman diba?" sabay tawa niya.
Umiling ako kaya pinalo niya ako. "Joke lang! Ito naman, hindi mabiro." sabay himas ko sa pinalo niya, medyo masakit.
Inirapan naman niya ako. "Alam mo, lumayas ka na."
Tinawanan ko naman siya at inabot na ang huling damit na tinupi ko. "Matampuhin naman pala." Tumayo naman ako at hinawakan ang baba niya para i-angat ang tingin sa akin. "Makakapaghintay, asahan mo, ikaw lang naman e." ngumiti ako at piningot ang ilong niya.
Tumayo na rin naman siya at yumakap sa akin. "I'll miss you." sambit niya at siniksik ang mukha sa leeg ko. I like this clingy side of her.
Yumakap naman ako pabalik. "Sabi mo nga, saglit lang yun." Tumawa ako at humalik sa noo niya. "Saka ka na magdrama ng sobra kapag tayo na."
Tinulak naman niya ako at tumawa. "Sinong may sabing sasagutin kita?" sabay taas niya ng kilay.
I smiled. "Ako, you can't resist me e." sabay kindat ko. Nagring naman ang phone ko. "Si dad, tumatawag." wika ko.
"Ayusin ko na din muna yung natitira kong dadalhin." sambit niya.
I answered my phone and dad told me na pauwiin ko si Mika ngayon. Nakipagtalo pa ako dahil balita ko ay inaway nanaman niya ang kapatid ko. Si dad talaga kahit kailan hindi na nagtanda e, parang bata rin na naghahanap ng away. I told him wala akong magagawa kung ayaw umuwi ni Mika, malamang ay bukas dala nun si Max para iwan sa akin. Sinabi ko rin kay dad to make sure na he'll send Mika bukas before leaving, his still her dad anyways. Kahit man lang sa simpleng bagay mapakita niyang nag-aalala siya kahit his being so hard to her.
"Luto na yung food, maghahain na ako." wika niya.
May kumatok naman kaya binuksan ko iyon. "Ay, magandang gabi ho Lt. Racquel." bati ko sa mom niya.
"Ano ka ba, tita na lang." nakangiti nitong sambit. "Kumain na ba kayo?" tanong niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang gusto ko ang anak niya, and she's okay with that.
"Ma." bati ni Rachel nang makita siya at yumakap dito bago humalik sa pisngi nito. "Kakahain ko lang po, tara kain."
Kumain na nga rin kami at manakha-nakhang nagkwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay pero more on sa mga ginagawa namin ngayon sa campo. I admire how close these two are, medyo naiinggit ako how open Rachel is sa kanyang mom, sa parents ko kasi ay nag-aalangan ako magkuwento ng mga bagay bagay. Isa pa, busy sila.
Matapos namin kumain ay nagpresinta na akong maghugas. Nanatili pa ako sandali bago magpaalam na ako'y uuwi na. Hindi pa man ako nakakalayo ay tumawag sa akin si Mika at nagtanong kung pwede ko daw ba siyang puntahan sa condo. Yung mga ganitong request ni Mika, hindi ko hinihindian kahit gaano ako kapagod. Malayo ang mom niya kaya naman I always make sure na nandito ako para sa kanya. Masama na nga ang tingin niya sa mundo ay dadagdagan ko pa ba?
Dumaan muna ako sa 7eleven para bumili ng makakain namin at ilang chocolate drink. Matapos ko magpark ay umakyat na rin ako sa unit niya at nagdoorbell. Agad naman niyang binuksan iyon at dali-daling lumapit sa akin ang alaga niya.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fiksyen Peminat(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...
