Mika
I'm fixing my things, ilang araw nalang ay uuwi na kami ng Pinas. Natutulog ngayon ng mahimbing ang kapatid ko, ang payat niya pero nagrerecover naman na siya sa pagkain niya. I was angry and thankful at the same time. Angry dahil hindi nila sinabi agad, but thankful dahil nailigtas nila ang kapatid ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at sumandal sa aking kama, placing my hands on top my knees bago sabunutan ang aking sarili.
Tangina. I hissed.
Gusto kong magwala, I wanna actually shoot or thrash things away pero hindi naman akin ang mga ito.
Aaminin ko, ayoko nang gagawin ko. Hindi ko gustong bitawan si Rad— sino ba naman gugustuhin bitawan yung taong gusto mong makasama hanggang sa iyong pagtanda diba? It's been a year simula nang makilala ko siya, we've been together for months now, but you know what they say, kapag naramdaman mo ng yun na, it would always— always feel like it's been forever.
A knock outside my room startled me. Sabi ko ay wait lang at dali-daling nagpunta sa CR para maghilamos. Pagbukas ko naman ng pinto ay nakita ko ang prinsesa. She gave me a small smile at inaya akong maglakad-lakad.
"Sigurado ka na ba sa gusto mong mangyari?" tanong niya sa akin. Malamang ay kinausap niya na rin ang tatay ko about kay Jovs.
Ibinulsa ko ang aking mga kamay at marahang sinipa ang isang maliit na bato. "Hindi, pero kailangan ko e." tiningnan ko naman siya. "I have to, para sa kapatid ko."
"I admire you and your stupidity, bayani ka for doing that pero you become the villain in your own story, alam mo ba yun?" sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. "I really don't think that this is what's best sa inyong tatlo, kailangan mo munang kausapin si major Rachel before pushing things."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "She can easily find the love she once lost kapag nagkasama na ulit sila ng kapatid ko."
Tumawa naman ito. "Para namang sinabi mo na mababaw lang ang pagmamahal niya sayo? Ganun ba tingin mo sa kanya?" Muli naman siyang tumawa. "She tried to break in dito, alam mo ba yun?"
Nanlaki naman ang mga mata ko at kinabahan. "Nasaan siya? Is she safe? Oh goodness gracious, anong ginawa niyo sa kanya?" kunot noo kong tanong.
"Relax, she's safe. Inutusan ko siyang umuwi na agad or I'll have her deported. She's scary, anytime soon ay parang handa na siyang saktan ako. She doesn't see me as the princess but the one who stole you, asshole." sabay irap niya sa akin. "Sobrang mahal ka niya, it shows."
"Tama na pangongonsensya." sabay tawa ko. "Once she knows Jovs is alive, magbabago lahat, trust me."
Umiling siya. "I don't trust you and your decisions."
"Wow, I'm offended." sagot ko.
She shrug. "Matulog ka na, captain. You still have a flight to catch tomorrow. Goodnight." sabay suntok niya sa balikat ko.
"Goodnight, princess." I nodded as respect at inihatid na siya sa kanyang kwarto.
*****
Tulak-tulak ang wheelchair na kinauupuan ni Jovs, ramdam ko yung excitemement niya sa paglilibot ng kanyang mata sa paligid. Nakababa na kami at hinahanap nalang namin sila dad.
"Dad!" sigaw ni Jovelyn bigla. And yes, she can speak clearly na ulit after 2 weeks ng speech therapy niya. HIndi naman mahirap dahil pursigido lang siya. Legs nalang talaga niya ang kulang dahil mahina pa ito.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Hayran Kurgu(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...
