Maze 40: I therefore conclude

677 26 64
                                        



Rachel

Ito ang naabutan ko sa aking lamesa, mainit-init pa kaya naman napangiti na lamang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ang naabutan ko sa aking lamesa, mainit-init pa kaya naman napangiti na lamang ako. Kaya pala kanina pa siya text nang text kung nasaan na ako. She left a note:

Special brewed to aba! XD have a great day ahead, kapitan! :) ~ Mika

Napailing ako sa kalokohan ni Mika, she's kind of sweet and annoying. Napatingin akong muli sa litrato ni Jovs, ngumiti ako at napabuntong hininga.

I'm sorry.

Minahal kita ng buo, and you will always have a part in me. Thank you.

Mga katagang binulong ko sa hangin at itinaob ang litrato niya.

Hindi naman ito yung inaasahan ko, hindi ito yung naisip kong maaaring mangyayari; but I guess may ibang plano ang nasa itaas. Pinag-isipan kong kumalas, pakiramdam ko mali e, pero nandito na ako e. Wala nang atrasan siguro 'to.

Isa pa, masaya ako sa nararamdaman ko.

*****


"Congrats!" Hindi pa rin natatapos ang papuri sa akin habang papunta akong pantry kaya awkward akong ngumiti sa kanila.

"Rad!" Sabay kaway ni Mika na nasa sulok, himala na si Srgt. de Leon lang ang kasama niya. "Dito ka na." Wika nito kaya tumango ako.

"Pili lang ako ng food ko." Sambit ko at umorder na nga bago magtungo doon at pinatabi naman niya ako sa kanya.

"Hindi mo kasama yung lagi kong kasama?" Tanong nito.

"Ah, may duty siya ngayon out of town e. Ikaw? Bakit si Srgt. de Leon lang kasama ko?" Usisa ko dahil lagi niyang kasama sila Ara.

Ngumiti siya ng pilit. "Wala. Kain ka lang."

"May problema kayo?" Usisa ko.

Napabuntong hininga naman siya, bakas ang lungkot sa kanyang mukha. "Kasi ganito yan, kapitan." She chuckled, showing her baby teeth. "May mga bagay kaming hindi napagkasunduan." Napkamot naman siya ng ulo.

"In short, gusto ni Ara si Den para kay Mika!" Singit ni de Leon na kinabigla ko. Nagtalo pa sila, pero hindi ko maintindihan ang naramdaman ko.


Inis?

Selos?

The fuck, Rachel.


"Oh? Bakit hindi mo ipush?" Tanong ko pero parang gusto kong manapak bigla. "You look great together naman oh." Pwe.

Bigla namang humalakhak si de Leon. "Sakit ba, bes?" Tanong nito kay Mika.

"Ulul. Pakyu. Madapa ka sana mamaya." sabay hampas nito sa kanya.

Natatawa na lang ako pero gusto kong malaman kung bakit kaya kinalabit ko si Mika. "Bakit nga?" Tanong ko.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon