Maze 38: Pag-isipan mong mabuti

618 25 32
                                        



Rachel

What would you do if your heart beat erratically?

Para akong naging bato sa nangyari. 

Did she really have to do that?

"Masarap yung chocolate, pahingi ako ulit next time." Sambit niya at lumayas.

Napalunok ako nang ilang ulit at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. I maybe a flirt but gosh, hindi ko inasahang gagawin niya iyon. 

Hayop na Mika yan.

Hindi ko makalma ang puso ko kahit nang makabalik na ako sa aking opisina. Nailagay ko nalang ang dalawa kong kamay sa aking ulo habang nakatingin sa litrato ni Jovs na nasa lamesa ko.

I sighed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I sighed.

I miss you, hun.

"Is it okay for me to feel this sa kapatid mo?" Napatanong ako bigla and I bit my lip in annoyance. 

"Nah, nabigla lang ako sa ginawa niya." Pagkumbinsi ko sa aking sarili. 

"Tama."


Napapikit na lamang ako at huminga ng malalim. I cleared my head before continuing my work.

That was nothing.

*****


Mika

"Buti nalang napakagalante ni general." Rinig kong bulong ng isang sarhento.

"Sobrang saya lang niyan, napakagaling ng hawak niyang tenyente e." Sambit pa ng isa. Napailing na lamang ako at tumungga ng isang shot.

"Lieutenant!" Masayang bati ni Gen. Fajardo. "Kain lang nang kain aba! Para naman magkalaman laman ka."

Tumango ako. "Oo naman, general."

"Alam mo, as your commanding officer, I'm proud sa lahat ng achievements mo." Ngumiti naman ito. "I called this celebration kasi, you'll be promoted this coming weekend." Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko at napayakap na lamang ako sa kanya. "I'm proud of you, young woman." Sabay hagod nito sa likod ko.

"Congrats lieutenant!" Bati nila at nagpop ng champagne.

"Salamat, pero kasama ko naman kayo sa bawat misyong natapos ko. Para sa atin to." Sambit ko at ginulo naman ni general ang buhok ko.

"Syempre, ako magsasabit ng pin mo." Ngiting ngiti nitong sabi at kumindat pa. "Aasarin ko lang daddy mo." Sabay tawa nito at napailing ako.

"Thank you, general." Muli akong yumakap sa kanya.

"Toast na tayo!" Sigaw ng isa.


And we did. 

Tonight was more of me kaya nahihiya ako. Puro sila papuri, hindi ako sanay kasi hindi naman ako madalas magparty para sa promotion. I usually spent it with mom and Jovs.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon