Maze 26: Chill

497 21 40
                                        



Den

Nabalitaan ko na umuwi si Mika sa kanila, medyo nalungkot lang ako dahil hindi siya nagpaalam sa akin. Although wala naman akong karapatan para magtampo, sana man lang sinabihan niya ako. Hindi ko na rin siya tinext or tinawagan, sinabi naman sa akin ni Jovs na umuwi si Mika para sa kanyang peace of mind. Traumatizing din naman kasi talaga ang nangyari sa kanila ni Lt. Rachel.


"Aray ha." plain na sambit ni Ara habang binebendahan ko yung bali niya. Ang tanga naman kasi, nahulog lang naman sa bunker at naitukod ang kamay. "Iniisip mo nanaman si Yeye noh." sabay ismid niya.

"Selos ka naman." sabay irap ko sa kanya at hinigpitan ang benda kaya ito napangiwi. "Magtigil-tigil ka nga. Ayusin mo din buhay mo, wag kang patanga-tanga."

"Grabe ka, ikaw itong ayaw umamin kay Mika tapos gaganyan-ganyan ka ngayong umalis." patuloy na pagdaldal nito. "Ang tagal-tagal na niyan, Dencio, naunahan ka na tuloy ng iba."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "W-what do you mean?" tanong ko.

Binigyan niya ako ng maliit at pilit na ngiti. "You should have saved her, you know? Nung nilalapitan ka niya para makipagbati dahil sa ungol na narinig mo." sabay tawa nito. "I think that was the last straw kaya niya nabitawan unintentionally yung nararamdaman niya sayo e." Kwento pa nito.

Mapanakit.

"Wait what?" hindi ko pa rin naiintindihan yung sinasabi niya.

"We'Re juSt fRieNds." paggaya niya sa boses ni Mika. "Friends my ass." sabay tawa nito. "Clearly, she likes you. Kaso ang masama doon e, parehas kayong manhid. Hindi lang talaga ako nakikialam sa inyong dalawa kasi malaki na kayo, isa pa, alam mong ayaw na ayaw ni Mika na dinidiktahan siya sa gagawin niya unless commanding officer niya." she sighed. "I could have knocked some senses in her, but playing cupid isn't my thing, Den."

"Teka nga, saglit." tiningnan ko siya ng masama. "Are you saying that at one point, Mika actually liked me?"

Tumango naman siya. "Not just at one point, Den. 'Di mo ba napansin na hindi naman siya masyadong nagdrama nung naghiwalay sila ni Rhian?" umiling-iling pa ito. "Actually, saglit lang naman talaga, alam mo kung bakit?" tanong niya kaya umiling ako, malay ko ba sa utak ng damulag na yun. "Kasi lagi kang nandyan. Ayaw lang niya aminin sa sarili niya, alam mo naman yun, ma-pride din."

"No way, Ara. Kung niloloko mo lang ako, stop." At tinaasan ko siya ng kilay.

"Sana nga hindi diba." ngumiti siya ng malungkot. "Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang lumayo sayo, pero simula nun, nagtuloy-tuloy na ata e. Tapos nitong pag-uwi niya broken na si tanga."

"What? Nabasted siya? Sino namang babasted sa damuhong yun?" kunot noo kong tanong.

Nagshrug naman siya. "Pagbalik ni Yeye, ayusin mo yung sa inyo. Baka sakaling pwede pa."

"Pero wala namang meron sa amin." Wika ko.

"Ayan, dyan tayo nadale e." sabay tawa nito at napakamot sa kanyang ulo. "Hindi ko kayo maintindihan, mahal niyo pero ayaw gumawa ng paraan. Paano uusad diba?" sabay iling niya ay tumayo na rin saka tinapik ang ulo ko. "Hindi ko alam how's Mika these past few days. Let's be hopeful nalang na hindi siya bumalik sa pagiging asshole niya. Alam mo naman yun kapag nasaktan, hindi mo maintindihan ang timpla ng ugali."

I gave her a frown. "Stop. Tigilan mo na nga pagbabasa sa ugali ni Mika kasi hindi mo talaga siya maiintindihan." I sighed when she gestured that she's surrendering from this argument. "Pero sigurado kang nagustahan niya ako?" tanong ko na muli niyang ikinatawa.

"Hay, Den. Oo nga, sigurado ako dun." ibinulsa naman niya ang kanyang mga kamay at tumalikod na. "Magrereport muna ako kay Lt. Gonzaga, isa din yung mainit ang ulo e." sabay tawa nito.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon