Maze 34: This world is cruel, you are cruel

496 27 74
                                        


Mika

I gasped for air, napaupo ako and noticed I was being held in a white room.

Jovs...


"Si Jovs." Agad kong tinanggal ang mga nakakabit sa akin at na-alarma naman ang bantay ko.

"Lt., please huminahon ka. Apat na araw ka ng walang malay, kailangan mo magpahinga." Wika niya.

"Hindi! Yung kapatid ko! Nasaan si Jovs?!" Pilit akong nagpumiglas at nakitang pumasok si Ara. "Ilabas niyo ako dito! Kailangan ako ng kapatid ko!"

"Mika, kumalma ka naman oh." Sabi niya sa akin bago ibaling ang tingin sa isa png bantay. "Pakitawag naman yung doctor."

"Tangina, Ara! Palabasin niyo ako dito!" Patuloy akong nagpupumiglas. They're pinning me down in this bed.

"Mika, hindi ka pa magaling." Rason niya.

"Yung kapatid ko! Kailangan ko siyang makita." Hinagpis ko.

"Doc!" Sambit ni Ara nang dumating yung doctor.

"Bitawan niyo ako!" Pagpupumilit ko bago makaramdam ng antok. "Tangina niyo." Sambit ko, they sedated me.

Fuck them.

*****


Napamulat ako ng mata, I was still feeling groggy dahil sa pampatulog na binigay sa akin. 2 langang bantay ko dito sa loob, hula ko ay mayroon din sa labas.

Nakasampay naman ang pantaas na uniporme ng isa kaya kinuha ko ito matapos itong patulugin by snapping something in his neck. Sinigurado kong hindi ako makikilala kaya agad-agad na rin ako lumabas at madaling nagpunta sa labas. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa crame, buti na lamang ay nandito sa pants niya ang kanyang wallet, babayaran ko nalang kapag naibalik ko na.

Jovs

Jovs

Jovs

Sabihin niyo sa aking ligtas ang kapatid ko.

Sabihin niyo sa aking nakita niyo siya.

O kaya maigi pang sabihin niyo sa aking panaginip lang ang lahat.

4 na araw.

Sa loob ba ng apat na araw, mag ginawa sila? Naghanap ba silang maigi?

Dumiretso ako sa opisina ni admiral at nagulat naman ito sa pagpasok ko. May nga kausap siya at nakita ko ang prinsesa na kasama doon.


"Excuse us." Tumayo si admiral at hinatak ako papalabas. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa hospital ka pa?" Tanong nito.

"Nasaan si Jovs?" Hinawakan ko ang kwelyo niya. "Sabihin mo sa aking nakita niyo ang kapatid ko." Hindi ko nanaman mapigilan ang mga luha ko.

Tiningnan naman niya ako na may hinanakit. "We haven't found her." Tinanggal naman niya ang kamay ko sa kwelyo niya. "Kasalanan mo lahat to."

I scoffed at kinagat ang labi ko bago matawa. "Sino ba nagpadala sa amin doon ha? Hindi ba't ikaw?!"

"I saw the signs of how incapable you are to lead missions. Lagi mong pinapahamak ang mga kasama mo, ngayon naman kapatid mo." Sabay ayos niya sa kanyang uniporme. "Ano nanaman ba ginawa mo this time, Lt. Reyes."

"Ang galing. Ang galing mo talaga, admiral. You take credits for every success but easily point fingers in every failure. Is that how a leader should act? Trash." Sagot ko and this time sinampal niya ako.

"Ikaw nalang sana—" he stopped and realized what he was about to say.

"Alam mo ba yung pakiramdam na hawak mo siya sa kamay mo? Na gusto mo siyang iligtas pero sobrang sakit na ng balikat mo dahil sa tama ng baril? Alam mo ba yung pakiramdam na hawak mo ang buhay niya pero hindi mo nagawang kumapit kasi siya mismo ang bumitaw?" Natawa ako at napahinga ng malalim. "Sana nga hindi ko nalang naranasan yun. At tama ka, sana ako nalang yung nawala. This world is cruel, you are cruel. Si Jovs lang ang meron ako at si mommy. Sila lang ang naniniwala sa akin. And you? Nagpasarap ka lang ng isang gabi, but you were never a father to me. Pero salamat sayo dahil may kapatid ako. That's the only thing I can thank you for."

"Hawak mo siya pero hindi mo niligtas. Go. I don't need your service. You will be reporting under General Fajardo from here on." Sabay bangga niya sa balikat ko, not knowing nandun ang sugat ko.


Napadaan naman si Lt. Daquis, I was hurt nang lagpasan niya lang ako. Ano bang nangyari? Ano bang kwento?


"Lieutenant." Tawag ko sa kanya at tumigil naman ito sa paglalakad. "Tell me na hindi mo iniisip na kasalanan ko 'to." She sighed at halatang nagpahid ng luha bago ako lingunin.

"And if I do?" She smiled forcefully. "Maibabalik mo ba siya?"

"Ano bang kwento meron?" I chuckled. "Bakit parang lahat kayo sinisisi ako?"

"Hindi kita sinisisi—"

"Pero naniniwala kang kasalanan ko." I sighed. "Hinawakan ko siya, kaya kong tiisin yung sakit ng sugat ko pero siya ang bumitaw." I smiled at muling naiyak kaya pinahiran ko iyon. "The world judge me so fast without knowing the truth. Hindi ako nagpapadalos dalos sa mission, alam mo yan, Lieutenant." My eyes begged for her to tell me na naniniwala siya sa akin, pero hindi ang sagot ng kanyang mga mata. "The only time na hindi ako nag-isip, is when I fucking decided callously to join you sa pagkakahuli. Why am I even putting my life on the line if I'm doing my job well." napabuntong hininga ako at napakagat sa aking labi. "Para saan pa—" napahawak ako sa aking ulo. Bigla akong nakaramdam ng hilo, shit.

"Mika, you're bleeding."


Napatingin ako sa balikat ko, hindi naman dumudugo iyon but my head felt hot at naramdaman ko naman ang maliit na pagtulo kaya hinawakan ko ang bendang nandun. Kailan ko nakuha 'to? Shit. Hindi ko ito naramdaman kanina.

Lalapit pa sana siya sa akin pero agad kong hinawi ang kamay niya.


"Don't. I don't need your help, Lieutenant." Wika ko but my knees got weak kaya napsandal ako sa pader at napaupo.

"Let me get you sa infirmary." Wika niya pero winaksi ko ang kamay niya.

"Si Jovs ang kailangan ko, hindi kayo." Niyakap ko naman ang tuhod ko.

"I need her too, pero nasaan ba siya ha?" Naramdaman ko ang pag upo niya sa sahig. "You've saved me sa hostage, how come you can't save your sister this time?" Narinig ko na rin ang maliliit na hikbi.

"Hindi naman ako superhero, Lt. Daquis, I'm human, nasasaktan; nasusugatan, I can't do it all." Sagot ko.

"Hindi ko alam kung anong gagawin, Mika. Hindi ko alam saan magsisimula. Ni hindi ko nga alam kung okay ba siya, kung buhay siya o kung wala na siya." Halos habulin niya na ang hininga niya kakaiyak.

"Stop. Babalik siya." I sobbed. "Pinangako niyang babalik siya."

"Make it happen." Sagot lang nito.

Napatingala ako and lights are dancing. "Fucking hell." I cursed before blacking out.

LabyrinthineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon