Mika
"Is that clear?" tanong ni Lt. Daquis na kakatapos lang magdiscuss para sa next mission namin.
Nagtaas ako ng kamay. "Have you read the latest report, lieutenant?" tanong ko since may update na nakuha sila Gen. Fajardo. "The western part in Quezon province is loaded, I highly suggest we take the Northeastern side."
Tumikham naman si Major Santillan, catching our attention. Hindi siya kasama sa mission but he's overseeing our plan kaya naman nandito siya sa meeting ngayon. "Those reports are from unconfirmed informants."
"And what are you trying to say, Major?" plain kong tanong sa kanya not trying to imply anything. Minsan nakakairita na rin ang taong 'to, lalo na nung dumating si Lt. Daquis, akala mo'y laging nagpapa-impress. Noon pa man ay lagi niya nang kinokontra ang mga suhestyon ko, lagi din siyang nagmamagaling kapag nandyan si Admiral.
"What I'm trying to say for a low mind like you, Lt. Reyes, is that we couldn't trust any unconfirmed sources. Masyado kang padalos-dalos sa mga desisyon mo." sagot nito sa akin.
Napakamot naman si Lt. Daquis sa kanyang noo. "Can we please tone our voices down? I want a healthy discussion here."
"I meant no disrespect, Major, I was merely suggesting. I wasn't even forcing anything dahil hindi naman ako ang head nitong misyon na ito. Please enlighten me, oh great one, kung anong mali sa pagbibigay ng suhestyon?" ngumiti ako ng tipid.
Nakita ko how his jaw clench, napakapikon talaga pero tuta naman din. Masyadong sipsip sa mga nasa itaas, hindi nalang gawin ng maayos ang trabaho niya. "We're not taking that route. It's final." sabay tayo niya. "Dismiss." at lumabas na ito.
I laid back at ipinikit ang mata ko saglit. Masyado niyang pinipersonal ang mga bagay bagay pag dating sa akin. Hindi pa rin ba siya nakakamove on noong tinalo ko siya when I was a newly grad?
Lol.
Nakaramdam naman ako na may tumapik sa noo ko kaya nagdilat ako ng mga mata at nakita si Lt. Daquis na nakataas ang isang kilay.
"What was that?" tanong niya.
I shrug. "Tanong mo sa kanya." sabay tawa ko.
"Hindi mo na dapat pinatulan. Mas mataas pa rin rango niya sayo. Paano kung makarating nanaman kay admiral yan?" iiling-iling niyang sambit at sumandal sa may table.
I gave her a boring look. "Do I look like I care?" at binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. "The admiral can burst his bubble anytime he wants pero he can't control me, alam niya yun. Alam ko ang ginagawa ko, lieutenant." Minasahe ko naman saglit ang nose bridge ko. "Isa pa, sabi ko nga noon, respect is not in my vocab."
"You should change that attitude of yours then." sabay taas niya ng kilay. "Hindi sila nagpakahirap sa pagpaparanggo para lang sagut-sagutin mo." umismid naman siya. "But I like what you did kay Major Santillan." sabay tawa niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Sa totoo lang, I may not respect everybody here pero I don't disrespect them naman. As long as hindi sila gago sa paningin ko, maliban dito sa kaharap ko ngayon. But in my defense, I was just teasing her before. "He likes you, papansin e." sabay tawa ko.
Tumingin naman siya sa may pinto bago ibalik ang tingin sa akin. "Your sister is way better than that man."
"Seryoso ka na talaga diyan?" tanong ko.
"Bakit? Ayaw mo ba?" sabay tawa niya.
Kinunutan ko lamang siya ng noo, parang tanga. "Sinisigurado ko lang."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...