Jovs
I dragged myself away, kanina pa ako naiinis sa pinaggagagawa nitong kasama ko. In the first place, why did dad even granted their request, kung tutuusin ay hindi naman namin obligasyon ang mga dayuhan na ito.
"Lieutenant!" sigaw niya kaya hinilamos ko muna ang aking kamay sa aking mukha bago siya harapin.
"Yes, princess?" ngumiti ako ng pilit kaya nagcrossarms siya. Isa pa 'tong maattitude, ang sarap itapon palabas ng Pinas.
"Bakit ba ang bilis-bilis mo maglakad?" iritado niyang sambit.
"Mabagal ka lang talaga maglakad." sabay shrug ko. One of her guards lowered his shades na parang nagbabanta kaya naman napaiwas din ako agad ng tingin. "Sabi ko nga, masyado akong mabilis, nasanay lang na may hinahabol na oras sa crame.
"Kain muna tayo bago ako bumalik ng condo." wika niya at inangkla ang kamay niya sa braso ko.
Tinaboy naman niya ang guards niya at binigyan ito ng pera, telling them na magtetext nalang kapag pauwi na. Since I am considered as her bodyguard as well ay iniwan naman nga nila kami.
Gretch, as she likes to be called, hopped like a kid habang papunta kami sa gusto niyang kainan. No questions asked, what she wants she gets.
"Kuha ka lang ng gusto mo." sambit niya.
"Wala." bored kong sagot at tiningnan niya lang ako ng matagal hanggang sa ako nalang din ang sumuko at kinuha na ang menu. "Sabi ko nga pipili na." sabay harang ko ng menu sa mukha ko at pumili na ng pagkain.
"Kumusta ka?" tanong niya bigla.
"I'm fine." sagot ko.
"I mean you— your heart." her eyes had this hint of sadness, why? Naaawa ba siya sa kinahinatnan ko? "I know I haven't talk to you since returning you here."
"Ah oo nga pala—" I chuckled. "You're quite at fault too, aren't you?" tanong ko, dahil hindi niya agad pinaalam kay dad that I was still alive, but clinging unto dear life.
"I'm sorry. I heard someone wants you dead."
"Nagtagumpay naman sila e. Not physically, but I am. My heart died for awhile dahil sa mga nangyari but I'm fine now." sagot ko at tumingin sa mga kubyertos na nasa lamesa bago muling tumingin sa kanya. "Tanggap ko naman ng hindi na ako, at hindi pala talaga ako." napabuntong hininga naman ako.
"How about you and Mika? Oh thank you." bigla kasing dumating yung food namin. "Are you guys, okay?"
I shrug. "Nasa awkward stage pa kami, we're casually talking pero hindi namin pinipilit na ibalik yung dati, kasi mahirap yun. Maybe once na okay na siguro ako, we'll get there?" nakangiti kong sabi sa kanya. "Kain na tayo."
"Akala ko kapatid mo ang nagplano ng lahat, I mean she went for your girl after your supposed death. I knew she was in a relationship when I asked her presence noon sa China." wika nito, and I don't know where this is going kaya nanatili akong tahimik at napahinga siya nang malalim saka ako nginitian. "I was kinda flirting with her—"
I stopped her. "So hindi naging kayo?" umiling naman siya.
"That was for a show. She asked me if I could help her, you're alive and for you kayo pa rin naman diba? She wanted to do what's right pero marupok e." sabay tawa nito. "Magulo talaga sitwasyon niyo, alam mo yun? Hindi mo alam kung sinong tama at kung sino mali o mayroon ba talagang tama at mali sa nangyari." she took a bite at tumingin sa labas. "You know, everything happens for a reason. The challenging part is acceptance."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...