MikaBumungad naman ang ingay nang pumasok si Lt. Rachel sa room, they're welcoming her back at well, kinumusta. Nanatili akong nakaupo sa pwesto ko, wala ako sa mood para makihalubilo ngayon. Idinukdok ko na lamang ang mukha ko sa aking braso na nakapatong sa aking desk.
Gusto kong uminom.
"Ye?" Rinig kong sambit mula sa likod ko pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.
"Bakit, Ms. Lazaro?" Tanong ko. I heard her sigh.
"Drinks on me tonight."
Sa sinabi niya ay tiningnan ko siya. "You don't drink."
"Hindi ko naman sinabing iinom ako, niyaya lang kita." She pouted and took my hand. "Sorry na oh, miss na kita. And I know today is THAT day kaya gusto kita samahan." I faked a smile at tumayo saka siya niyakap. "Mika—"
"Sandali lang, kailangan ko lang 'to." Malungkot kong sambit.
Yumakap naman siya pabalik. "Aasahan kita mamaya, just the two of us, like it has been— since she left. O gusto mo isama si Jovs?"
"Isama natin." Sagot ko.
Humiwalay na ako sa yakap at nginitian siya. Ginulo ko naman ang buhok niya bago muling maupo sa station ko. Nagpaalam na rin itong aalis na siya kaya bumalik na rin ako sa trabaho.
Bago naman umalis si Lt. Rachel ay nagtagpo pa ang mata namin, binigyan niya lang ako ng mapanghusgang ngiti— but, who cares? I don't have the energy para makipagdiskusyon sa kanya ngayon.
I took my phone out at inopen ang folder namin sa aking gallery. It's been 9 months since she and I broke up. 9 fucking months and I still can't get over, not even one bit.
I stared at our pic. Gusto kong itanong kung bakit, kung saan ako nagkulang; ganun ba talaga kapag nagmahal ka?
Putangina.
Naihilamos ko naman ang palad ko sa aking mukha at nakaramdam bigla ng kamay sa balikat ko kaya tiningnan ko naman ito.
"Checking up on you, sis." She smiled and took the chair beside me. "Maaga pa but you look so lost." Wika niya.
I sighed. "I hate how it still affects me."
"Kapag ba bumalik siya tatanggapin mo pa?" Bigla nitong tanong.
Kumunot ang noo ko. "Ganun ba talaga ako katanga para tanungin mo pa yan?"
Tumawa naman siya. "Kinda, ilang beses na ba niyang ginawa yun? But what? You took her back again and again— and again. Kaya ngayon, tinatanong kita, would you still take her back?"
Umiling ako. "Ayoko na, tama na." I smiled. "Ayoko na pero nandito pa rin yung sakit. Ayoko na pero hindi ko magawang bitawan yung mga pinaramdam niya." Natawa ako. Am I really a sucker for attention? Kasi nakakagago e, that's what she gave me. Time and affection. Up until now, I'm still holding sa mga nararamdaman ko. "Ayoko na, gusto ko ng mawala ito."
Ginulo naman niya ang buhok ko at pinisil ang dalawa kong pisngi. "You need closure, Ye. Wag mong ipagdamot sa sarili mo yun." Nginitian ko naman siya at binitawan na rin. "Jack's Pub daw tayo later sabi ni Den ah."
"Ah? Jack's? Edi hindi na natin need magpalit?" tanong ko dahil puro militar naman ang nandon. Tumango naman siya. "Aight', makakanta nga on stage." Sabay tawa ko since open stage naman doon.
"Right, see you." She smiled at tumayo na. "Nga pala, ngumiti ka. Huwag kang bumusangot, nagtataboy ka ng lovelife." Sabag gulo niya sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...