Rachel
Nandito nanaman ngayon si Mika sa aking opisina, parang tanga na nakikipagtagu-taguan sa kanyang kapatid. Parang nalibot niya na ang pwesto na pwedeng pagtaguan dahil ang kapatid niya'y makulit din.
"Wala na, nakaalis na." Sambit ko at dumungaw naman siya mula sa likod ng couch na nasa opisina ko.
"Ilang beses ka ba babalik-balikan ng kapatid ko." Natatawa niyang tanong dahil nakailang balik na ito at hindi pa natatapos ang araw.
"Babe, hindi ka naman mahihirapan kung hindi ka din nagpupunta dito." Iiling-iling kong sagot. "Halika nga dito." I stretched out my hand at hinintay na mahawakan niya iyon bago ko siya hilahin at paupuin sa aking lamesa. "Para kang linta, ayaw nang humiwalay sa akin e." Kumento ko at ikinulong naman niya ako gamit ang kanyang binti.
"Gusto kong bumawi sa mga araw na hindi kita kasama. Sa mga araw na nasaktan kita dahil sa naging desisyon ko. Sa mga araw na dapat ikaw ang kasama ko kaysa magkulong sa kwarto." She tucked some of my hair sa likod ng aking tenga before tracing my jaw that made me bit my lower lip. "You look sexy when you do that." Sambit niya na may himig ng paglalandi saka tumawa at niyakap ako mula sa aking bewang nang mahigpit.
"Mika, may dinaramdam ka ba?" Tanong ko dahil iba ang pakiramdam ko sa yakap niya.
"Pakiramdam ko hindi ko deserve na mahalin mo ng ganito— na para bang hindi sapat yung ibinibigay ko para masuklian lahat." napabuntong hininga naman siya at niluwagan nang kaunti ang kanyang yakap ngunit nanatili siya sa ganitong pwesto. "Matapos yung nagawa ko, parang hindi na ako karapat-dapat sayo."
Iniangat ko naman ang mukha niya at marahang hinaplos ang magkabilang pisngi niya. "You loved me despite being inlove with someone else. You were patient when I was in a relationship, hindi mo naman din binalak na sirain kami. Mika, mahal, you're the most selfless yet selfish person I have ever known. Nasaktan mo man ako, pero naiintindihan kita e. Hindi naman na dapat maging tanong yun kung ako ba o ang kapatid mo. Aaminin ko, nasaktan ako, pero hindi ko naman makuhang magalit sayo kasi alam ko kung gaano kahalaga sayo ang kapatid mo. You value the bond between you and I admire you for that. Ang akin lang naman, sana sinabi mo, sana pinaliwanag mo; walang halong biro pero maiintindihan kita at rerespetuhin ko yung desisyon mo." I cocked my head sideways at nginitian siya saka inilapit ang aking mukha sa kanya. "You deserved the world, babe. Wag kang magdedecide what's best for me, for I think it's you."
Napangiti naman siya at humalik sa pisngi ko. "Thank you, babe."
I chuckled. "You're the best for me." sambit ko at sa labi niya na humalik. "Susunduin mo pa yung chinita diba?" tanong ko at tumango naman siya. "Anong oras na, baka mainip yun kapag pinaghintay mo." natatawa kong sambit. "Take care, babe."
Tumango naman siya at tumayo na rin saka yumakap nang mahigpit. Hindi ko naman ipagkakaila na gusto ko ang ganitong side ni Mika, being the clingy baby she is. "Susunduin ba kita?" tanong niya.
"Huwag na, pupunta na lang ako sa condo mo. Overnight? Wala si mommy e, alis nila mamaya for medical mission." bahagi ko sa kanya.
"Okay, kukunin ko muna sa bahay si Max." pahayag niya at naglakad na rin papunta sa may pinto. "I'll cook for you kaya huwag ka nang bibili ng food." wika niya na tinanguan ko naman.
Biglang umikot ang knob at dali-dali siyang nagtago sa likod ng pinto. Nakakunot ang noo ni Jovs habang tumitingin sa paligid at nang papasok na siya ay humarang ako kaya napaismid ito. Ewan ko ba, siguro ang tao talaga gustong-gusto yung nasasaktan sila e. Kahit ulit-ulitin kong wag na pumunta ay ayaw pa rin magpaawat ni Jovs.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...
