"How does this work?" Tanong ni Mika habang inaayos ang kanyang camera. "Tangina naman nito, Ara, bakit ba kasi ito sinuggest mo?" Inis niyang tanong habang may kung anong kinakabit. Kitang kita ang cute niyang maliliit na ngipin."Mika, uulitin ko sayo, nagsuggest lang ako. Ikaw pa rin naman masusunod." Rinig kong sagot ni Ara.
"Wait." Sabay taas ni Mika ng camera. Kumaway naman ito. "Pucha, ang ganda ko talaga." Wika nito kaya natawa ako. "Hi, mahal!" She smiled sa lente ng kanyang camera. "As you can see, malubak yung dinaraanan namin, huwag kang tatawa kapag ako ay nadapa."
"Mamaya na kasi yan!" Sigaw ni Ara.
"Tangeks!" Tumawa nanaman ang mahal ko. "Para malaman niya mga paghihirap ko mapasaya lang siya." Malokong sagot ni Mika at tumingin muli sa camera. "Kung sino man nakakapanood nito, umaakyat lang naman kami ng bundok kasi miss ko na yung jowa kong sumama sa nanay niya sa medical mission. Nakalimutan ata niyang birthday ko kaya ako nalang magreregalo sa kanya." Patuloy niyang pagdadaldal.
Napangiti na lamang ako.
My love sure is a whole ass kid.
"Hay nako, Mika, pinapahirapan mo lang din sarili mo." kontra nanaman ni Ara.
Umakbay si Mika sa kanya. "Sobrang bugnot niya ngayon diba? Nag-away kasi sila ni Den kagabi, alam na ngang nagseselos girlfriend niya dun sa kachat niya, sige pa din nang sige." Mika shrugged at tinulak siya ni Ara nang bahagya. "Maka ganyan ka, tandaan mo officer mo pa rin ako." sabay tawa ni Mika.
Patuloy silang naglakad, naawa na lamang din ako kasi medyo malayo talaga yung pinuntahan namin. Sinamahan ko si mom dahil kulang siya sa tao, plus nami-miss na rin daw niya ako.
And yes, I have totally forgotten about Mika's birthday. Sobrang galing kong girlfriend noh?
"Nakikita niyo yun?" sabay lipat ng camera sa akin. "That's my future wife." bulong ni Mika. "Hindi ngayon, pero soon. Hintayin niyo." muli ko nanaman narinig ang kanyang tawa.
"Bilisan mo na dyan, malapit ka nang tamaan sa akin." asar na sambit ni Ara kaya napailing na lamang ako.
"Oo na, pakihawak naman nito." Sabay abot niya ng camera kay Ara. May kinuha naman din siya sa bag niya at inilagay iyon sa likod niya saka ako nilapitan. "Miss, pwede ho bang magpagamot?" tanong nito kaya napalingon ako.
Bakas ang gulat sa aking mukha. "Babe." ngiting-ngiti kong sambit. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Capt. Reyes, it's nice to see you here." Bati sa kanya ni mommy.
"Hello, Lieutenant. Dumayo pa po ako dito para magpagamot." Sabay kamot niya sa kanyang ulo at tumingin sa akin. "Major, ang sakit nito oh." sabay turo niya sa puso niya. "Miss na kita e." pag-iinarte niya kaya natawa ako. "Happy birthday sa akin." tatawa-tawa niyang sambit at inabutan ako ng bulaklak. "Para sayo talaga to, namiss kita e." she pouted kaya niyakap ko siya.
"I'm sorry, my big baby." sabay pisil ko sa pisngi niya. "Happy birthday, babu. I'm sorry nakalimutan ko." tumawa pa ako at mukhang okay lang sa kanya. Pero naguilty rin naman ako kaya tumingin ako kay mom, nagkaintindihan naman ata kami, isa pa nandito naman si Ara.
Bago pa kami makalayo ay naramdaman kong may humawak sa laylayan ng damit ko. Yung batang babae na inenjectionan ko kanina. "Uuwi na po kayo?" tanong niya.
"Hindi pa. Igagala ko lang siya saglit kasi birthday niya."
"Wait lang po." wika nito at nagtatatakbo sa kung saan, pagbalik niya ay may dala siyang pitas na rosas. "Happy birthday po!" sabay ngiti nito nang malaki. "Ate ganda, boyfriend mo po?" tanong niya with her curious eyes.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...