Maze 25: I'm Sorry

512 28 51
                                    


Mika

Who the hell said na I'd drink myself to my hearts content? Tangina, para nang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.

Fucking hell.

Fucking heartbreak.

Chineck ko ang phone ko, maraming text at missed calls mula kay mom, Jovs, dad pati na din kay Den. I groaned, wala akong oras basahin ang mga text nila, panigurado ay hinanap lang ako ni mommy sa kanila.

Tinawagan ko si mommy at agad naman niya iyong sinagot telling me na bakit hindi ako nagpapaalam, bakit daw hindi ako magpahinga muna, bakit daw gala ako nang gala. Gustuhin ko man mairita ay hindi, I always find my mom cute kapag nag-aalala siya. I told her I'm sorry and that I'll be home soon.

Bumangon na rin ako at naabutan ko naman na naghahain na si Ara at Kim. May pasok pa nga pala sila.


"Aga mo nagising ah. Kain!" Paanyaya ni Ara.

"Oh? Sakit ulo?" Sabay tawa ni Kim. "Para ka kamong tanga kagabi, as in."

"Woah, kala mo siya hindi." Side comment ni Ara kaya binatukan siya ni Kim.

"Anong ginawa ko?" Tanong ko.

"Tanginang pag-ibig yan. Gago, magsama kayo." Paggaya pa ni Kim sa boses ko. Pakiramdam ko ay nanuyo bigla ang lalamunan ko. "Tangina, mahal kita e, pero hindi pwede." Napasapo nalang ako sa aking noo.

"Did I call out her name?" Tanong ko.

"Paano kung tinawagan mo siya?" Tanong ni Ara.

Dali dali kong chineck ang phone ko, wala namang call logs. "Gago, kinabahan ako." Sambit ko at naupo na sa tabi nila. "Tigilan niyo na nga ako."


Matapos nila mag-ayos ay nagpahatid na muna ako kay Ara sa condo ko. Nandun na rin si Max na halatang sabik na sabik sa pag babalik ko, halos mapuno na ng laway ang mukha ko.

Tiningnan ko si mommy at agad naman ako tumayo at niyakap siya. I know gusto niya akong alagaan, and I'm giving her that.


"Ma, let's go home." Wika ko. "I'll book us a ticket na. Ayoko na muna dito. Ang sakit sakit na sa lugar na to. Manila is always trying to break me, mom." malungkot kong sabi.

"We'll fly whenever you want to. Nagpaalam ka na ba sa dad mo?" tanong nito.

Umiling ako. "I'll text him later. I—" napabuntong hininga naman ako. "I just want to rest right now, ma." Humalik naman siya noo ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko. I pouted, I'm still her baby after all. "Uwi na tayo, ma."

"Book that ticket, I'll pack your things."


Yumakap akong muli kay mommy at dali-dali ko na ring binuksan ang aking laptop para makapagbook ng ticket pauwi. I took the nearest flight possible, which means, I'll be leaving tomorrow. Sandali lang naman but this would mean everything to me. Pinatay ko na rin ang aking laptop at sinara ito. Dumeretso ako sa aking kwarto at ibinagsak ang pagod kong katawan sa aking kama.

Hindi ako makatulog kahit gustuhin ko. How pathetic of me na siya at siya ang nakikita ko kahit nakapikit ako. Na siya at siya ang iniisip ko kahit ayoko. Na siya at siya ang gusto kong makita bago ako umalis ng matagal?

Mika, you are so hopeless.

She's taken.

And if it hasn't sunk yet in your fucked-up mind, may I remind you that she's taken by none other, chara! None other than your half-sister.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon