Maze 9: You before me

602 26 18
                                    


JOVS

Pabalik ako sa desk ko when I saw a not so little but very excited boy. Agad itong lumapit sa akin at nagtatatahol.


"Hey there, Max." Bati ko sa asong dala dala ni Mika. Tiningnan ko naman siya. "Umuwi ka?" Tanong ko.

Inabot naman niya sa akin ang leash ni Max. "Nagtext si Manang, kanina pa daw nakaabang sa kwarto mo si Max at kahol nang kahol. Hindi ka nanaman nagpaalam noh." Sinamaan niya ako ng tingin.

Napakamot na lamang ako sa batok ko. Actually, oo nakalimutan ko nga. "Sorry na." Sabay ngiti ko sa kanya.

Inirapan naman ako nito at nagsquat saka pinet si Max. "Behave okay?" Ani nito at tumahol naman si Max. "I'll see you later, baby." Sabay halik pa niya. Tumayo naman ito kya muli ko siyang nginitian. "Walk him, pakibalik sa akin bago mag-uwian."

Nagtaka naman ako, pwede namang ako na ang mag-uwi e. "Hindi ka ba magstay ngayon sa atin?"

"Ayoko, inaway nanaman ako ng tatay mo." Irita niyang sagot kaya natawa ako.

"Ano nanamang ginawa mo?" Tanong ko at natawa.

"Tangina, nalate ako ng isang minuto kasi nga kinuha ko si Max. Alam mo sinabi sa akin? Uunahin ko pa daw ba yung walang kwentang aso. Putangina talaga, edi sinagot ko siya. Sabi ko e buti pa aso nakakaintindi, siya hindi tapos ayun, nilayasan ko." What agitates Mika more than dad? Yes, insulting her favorite son.

Napailing naman ako at kinarga si Max kahit napakabigat nito. "Wag ka maniniwala dun ha? You're the best dog in the world." Paglalambing ko sa aso. "Hayaan mo na si dad, alam mo namang hindi dog friendly yon." Sabay tawa ko. "May gagawin ka pa ba today? Wag mo na masyado isipin si dad."

"Isa pa yan, madami pa akong gagawin tapos inistress ako ng tatay mo."

"Na tatay mo rin." Pang-aasar ko at muli niya akong inirapan. "Galet na galet ha, gustong manaket?" Tanong ko.

"Konti nalang talaga." Sabay ilinig niya. "Sige na, madami pa akong gagawin. Basta ibalik mo sakin yan ha." Paalala niya.

"Okay, I'll see you later." Wika ko at tinapik siya sa balikat.


Ibinaba ko na si Max at naglakad lang kami papunta sa isang pet friendly na restaurant, hindi pa rin kasi ako kumakain kaya isasama ko na si Max para sa late lunch ko.

Nang makabalik ako sa crame ay inikot ko nga muna si Max, tutal ay wala naman na akong pending na gawain. Habang nag-iikot ay nakita ko naman si Rachel sa field kasama ang mangilan-ngilang trainees. I heard mas strict pa siya sa akin as a trainor kaya I sat down sa isang bench at doon nagpalipas ng oras.

One mistake, ulit. That's how she is. Tama naman e, disipline and unison is much needed sa linya namin. Minsan ay pinapalagpas ko yung mali nila lalo na at pagod na sa kakaulit pero itong si Rachel? Lalawit talaga ang dila mo dahil sa pagod, walang patawad. Pasalamat nalang ako at hindi ko siya naging training officer.


Lumapit ako sa kanya at inabutan siya ng tubig na binili ko kanina, hindi ko pa naman nabubuksan iyon. "Mainit, inom ka muna." wika ko.

Tiningnan naman niya ako at kinuha iyon saka uminom. Nagtira siya ng kalahati at ibinigay sa nasa pinakaunahan ng formation. "Pass it, dapat aabot sa dulo yang natitirang tubig. Kapag hindi, 20 laps."

Nagulat ako sa narinig. "May balak ka bang patayin yang mga bata mo?" tanong ko sa kanya. She stood still at tiningnan lang ako na para bang wala siyang narinig kaya inulit ko. "May balak ka bang pataying sila ha, Lieutenant? Dalawapu ang nasa hanay mo, do you really think aabot sa dulo yung binigay mo?" tanong ko.

She smiled. "Why are you here anyways, lieutenant Gonzaga?" tanong niya. "Life is on the line, are you really willing to leave your comrade? Are you willing to lend your resources? Being in the battlefield isn't just survival of the fittest. Sure magaling ka, pero iiwan mo ba ang kasamahan mo para sa karangalan?" muli siyang tumingin sa akin at ngumisi. "Mind joining the platoon? Be at the last, tell me kung aabot sayo."

"This is—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ito. "Save yourself." wika niya sa lahat.


Wala akong nagawa, she's one rank higher kaya humanay ako sa dulo ng pila. Binigyan niya muna sila ng dalawang minutong pahinga dahil mga humahangos na sila. Sa ilang minuto kong panonood sa kanila ay hindi ko man lang nakitang nagbreak sila.

Is she mad or something?

Napatingin ako sa kanya at malamig lang ang tingin niyang ibinalik.

Muli niyang pinahanay ang mga tao niyan at ginawa na ang pinapagawa niya. Nang i-abot sa akin ang bote ay hindi ako makapaniwala na nakadalawang lagok pa ako.


"You see, these people are trained to share, lieutenant Gonzaga. I don't let them be one of those power first platoon. It's always you before me mantra." she smiled and signaled me na lumapit sa kanya. "Unahin mo ang iba bago ang sarili mo." bulong niya sa akin bago humarap sa kanyang grupo. "Dismiss." Saka ito tumalikod.

Binalikan ko naman kung saan ko tinali si Max at tumakbo para habulin si Rachel. "Are you testing me kanina?" tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin. "No, Jovs. Gusto ko lang turuan ka na hindi lahat ng alam mo e yun na yun." sabay suntok niya sa braso ko.

"I thought you were serious sa 20 laps?!"

Tumawa naman siya. "I am, pero they know very well what to do." napatingin naman siya bigla sa kasama ko. "Uyyy, ang cute ng aso mo." sambit niya at nagsquat saka hinawakan si Max.

"He's not mine. Kay Mika to, regalo ng ex niya." napaangat naman siya ng tingin. "His name is Max."

"Wow, bigtime naman ng ex niya." she chuckled. "Hello, Max. Ang cute mo naman." sabay himas niya rito at tuwang tuwa naman si Max. "Palahi ka na oh, pahingi." sabay tawa niya kaya natawa din ako.

"Sobrang baby nito kay Mika, baka umiyak kapag naging lola siya bigla." natatawa kong sambit. "Oo nga pala, you look cool kanina."

Tumawa naman siya at tumayo saka lumapit sa akin. She looked down slightly dahil mas matangkad siya sa akin. "I know."

I smiled. "As always. Care to have dinner with me tonight?"

Nabigla naman siya at napalayo. "Ha?"

Ako naman ang lumapit ngayon. "Dinner tonight. You and me."

She crossed her arms. "Where to?" tanong niya.

"Syempre, unli seafood." yun kasi yung natatandaan kong favorite niya. Agad naman lumawak ang ngiti nito. "Yun pa rin pala gusto mo." wika ko.

"Ofcourse, nothing would beat my love for seafoods."

"Especially Hipon." natatawa kong sambit at tumango-tango naman siya. "So, you in?"

"Ofcourse, lieutenant." nakangiti niyang sagot. "So, I'll see you later?"

Tumango ako. "I'll see you in forever din." I winked.

Napailing naman ito. "Ang lakas ng tama mo."

"Atleast sayo lang. Sayo lang tinamaan." natawa ako sa sarili ko at napailing. "Sige na, baka mabatukan mo pa ako. I'll pick you up?" tanong ko.

Umiling siya. "I'll meet you there. May gagawin pa din kasi ako."

Tumango ako. "Sige, I'm excited."

"Kalma lang! Baka hindi kita masalo niyan." kumento niya at tumawa.

Inirapan ko naman siya. "Trust me, you will catch me." pagyayabang ko kaya hinampas niya ako, ang brutal.

"Sige na, lumalakas na yung hangin sa kayabangan mo e. I'll see you late, Jovs."


I nodded at ngumiti before waving at her.

Who's excited to date her love?

Me.

It's me.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon