Mika
"Mika, gusto ko nang umuwi sa amin." Pagmamaktol nitong prinsesa.
"Hindi pa nga pwede." Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Paano mo siya mapapaniwala niyan kung everytime na iinom ka, tatawagan mo siya?!" Iritado niyang sambit at pinakita ang call logs ng phone ko kaya hinablot ko ito sa kanya.
"Pwede ba—"
"Hindi." sabay irap nito. Wala pa nga akong sinasabi e. "Kung gusto mong tigilan niya umasa sayo, tigilan mo rin pagpaparamdam sa kanya. Ano bang goal mo sa ginagawa mo ha?" tanong niya. "Trip mo lang ba makipaghiwalay para magkasakitan kayong dalawa ha?" saka niya ako binatukan.
"Isa pa, babawian na kita." inis kong sambit habang hinihimas ang ulo ko. "Hindi porket prinsesa ka sa inyo, e hindi kita papatulan dito."
Tumawa naman siya. "Halos ganyang din ang sinabi sa akin ng ex mo, pero mas puno ng pagbabanta." kumunot naman ang noo ko. "Sabi niya, hindi porket prinsesa ako ay wala na siyang karapatan saktan ako na kabit mo daw." napailing naman siya. "As if naman gusto kita."
Tiningnan ko naman siya. "As if naman lalong gusto kita." sabay irap ko. "Parang hindi ko na kaya magmahal ng iba."
Napatakip siya ng bibig sa pagpigil ng tawa. "Hoy, wala pa nga kayong isang taon."
My lips twitched at nilapitan ko siya before cocking my head closer to her because she's way shorter. "Wala yun sa oras."
Our staring game went on for quite some few minutes, natigilan na lamang kami nang may tumikham kaya agad kaming napatingin sa gawing iyon.
Ano ba, pakiramdam ko nagpapatong-patong ang kasalanan ko e.
"Sorry to ruin the mood." sambit ni major na mukhang kakababa lang mula sa kwarto ni Jovs. Ni hindi ko rin naman alam na nandito na sila.
Agad naman akong lumayo pero umakbay sa akin si Gretch. "Yes, why do you have to ruin it every goddamn time?" tanong ni Greta.
Natawa naman si major. "Princess, try harder." sabay ismid niya. "Excuse me."
Agad akong humiwalay kay Greta pagka-alis ni Rad. "The fuck."
"OA." sabay irap niya sa akin. "Your goal is, that once gumaling ang kapatid mo, siya ang pipiliin at hindi ka babalikan. Ano bang ginagawa mo?" tanong niya.
Hindi naman talaga iyon ang gusto ko.
"Sabi ko nga e." Inayos ko naman ang damit ko. "Aalis muna ako."
"Hala, sige! Inom pa! Pakasalanan mo na kaya yang alcohol?" she looks disgusted at tumawa lang ako.
"Malapit na." saka ako nagshrug at tuluyan na ring lumabas ng bahay.
Naabutan ko pa si Rad na nakatulala sa labas ng sasakyan niya habang hawak hawak ang handle ng kanyang pinto. Her shoulders dropped kasabay nang pagbitaw niya ng isang malalim na paghinga.
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong bawiin lahat ng sakit na nararamdaman niya pero mali ito. Mali ang lahat ng ito para sa akin. Mali na minahal ko siya, at lalong mali kung ipagpapatuloy namin ang lahat ng ito kahit nakabalik na ang kapatid ko.
Gusto kong sabihin na sana maging okay ang lahat, at ako ang piliin niya; hindi ko magawa dahil una sa lahat, ako ang bumitaw at hindi pumili sa kanya.
Ako yung mahina ang loob.
Nagkatinginan naman kami, ang kanyang mga mata ay parang malalim na balon na hindi mo alam kung hanggang saan ang lalim.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...
