Maze 31: I appreciate you

539 25 59
                                    



Mika

Tumakbo siya pero hindi ko siya hinabol. Hindi niya kailangan ng comfort mula sa akin, madadagdagan ko lang yung nararamdaman niyang sakit na nararamdaman ngayon.

Pakiramdam ko ay nakita ni Jovs yung nangyari kaya lumapit siya sa akin at inalok ang hawak niya pero tinanggihan ko iyon at pinakita ang 4 pang bote dito dahil isang bucket ang kinuha namin. Ni hindi pa nga kami nakakarami ay nilayasan na ako agad.


"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Yes." maikli kong sagot at uminom. "She'll be fine." sabay tawa ko but felt guilty anyway.

"What happened?" tanong nito.

"She confessed." sambit ko at parang hindi naman na siya nagulat.

"We're jUst fRiendS." balik nito with a mocking tone kaya napailing na lamang ako. "You felt the same way, diba?"

Tumango naman ako. "It wasn't that deep. Her words were holding me back. You know she compares me to you alot. Kung gaano ka ka-mature and such. Na dapat daw gayahin kita nang tumino-tino ako. How can I even do that? I'm not you. I don't see the world how you see it." Tugon ko sa kanya.


And the world does not treat me the way they treat you.


"Daig niyo pa naghahabulan e." sabay tawa nito at uminom.

"I know." sabay tawa ko rin at sumandal sa head rest nitong couch na kinauupuan ko.


Nagkwentuhan lang kami ni Jovs. Kinumusta ko rin kung anong nangyari sa mission nila ni Colonel de Leon. Okay naman daw, nahuli nila ang mga tauhan kaso nakatakas yung foreigner na hinahabol nila. Tinawanan ko siya, hindi nga sila sugatan pero natakasan naman. Napailing siya at pinisil ang sugat ko kaya hinampas ko siya ng malakas.


"Oo nga pala, nakabili ka na ng damit para sa Christmas party?" usisa nito.

"Ang tanong, sasama ba ako?" natawa na lamang ako. Taon-taon na may Party, taon-taon din akong hindi sumasama.

I hate crowd.

I hate people.

"Sabagay." napailing siya. "Ayoko rin sana kaso excited si Rachel, it's her first here saka birthday niya rin iyon."

Nilingon ko naman siya. "Kailan?"

"Sa 13." sagot nito.

"Ah. Bahala na." sagot ko but I have made up my mind.


Nang maubos ko ang natitirang bote ay umuwi na rin kami. Hinatid niya ako sa aking condo, ayaw pa sana niya dahil niyayaya niya pa akong maglaro pero kinuwento ko yung nangyari kanina sa amin ni dad at sinabi ko ring kailangan kong magpahinga.

*****


Hindi ko naman iniwasan si Dennise, sa kanya ako nagpapalinis ng aking sugat but she never said a word about what happened the night she confessed. I didn't pry na rin if that's something that would help her accept it, so be it. Hindi ko na rin naman na gusto pang pahirapan siya.

Kanina pa ako nakatingin sa email about the Christmas party, a ball huh? Natawa ako, watch me go there with my white shirt and a pants.

Sinara ko na ang aking laptop, at sinuot ang jacket ko. Kanina ko pa iniisip kung anong regalo dapat kong bilhin para sa kanya. Hindi dapat ganun kamahal kasi hindi naman ako jowa, hindi dapat mukhang pinag-isipan kasi hindi naman ako jowa; hindi dapat kapansin pansin kasi hindi naman ako jowa.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon