JovsSinamahan ko naman si Rachel papuntang infirmary, chineck ng mom niya ang sugat niya. Sa sobrang pag-alala at inis ni tita ay diniinan niya ang paghawak sa sugat ni Rachel kaya napangiwi ito. Natawa na lang ako dahil ang cute nila tingnan. Rachel pouted at agad yumakap kay tita, saying sorry for making her worry; for all the sleepless nights she caused her daw and everything. Tumingin naman siya sa akin at nagsorry rin, for the same thing daw. Nginitian ko lang siya, hindi naman na mahalaga yun dahil ang importante ay narito na siya, nakabalik sila ng ligtas.
Umalis na muna ako dahil parang pagod na pagod siya at kailangan niya ng pahinga. Sa kabilang ward naman naroon si Mika na mukhang himbing na rin ang tulog. Nagpunta na muna ako sa office ni dad at agad naman siyang tumayo para yakapin rin ako. Isa pa to, finally, makakapahinga na rin siya ng maayos.
"Ang kapatid mo?" tanong niya.
I gave him a little smile. "Stop calling her that, dad. Para namang hindi mo anak yung hinahanap mo e."
"S-sorry."
Tumawa ako ng bahagya. "But she's fine, natahi naman na ng maayos yung sugat niya sa noo. She's sleeping in the wards right now. Gusto mo bang puntahan?"
Umiling naman ito. "No, let her rest. Ano palang sabi ng tita Bhaby mo?" tanong nito patungkol sa mom ni Mika.
"Ayaw niyang umalis sa condo ni Mika." sagot ko. "Maganda siguro, dad, na doon nalang muna si Mika. You could always visit her naman sa unit niya. Hindi ka naman banned doon." tinawanan ko naman siya kaya binigyan niya ako ng isang inis na tingin. "What? Isn't it a good thing?" tinatawanan ko pa rin siya.
"I'll send both of them on seperate counseling, and a leave for a month. It must have been traumatizing for both of them." seryoso niyang sambit.
"Mika wouldn't like that, dad. Mabilis mabagot yun." paalala ko. "How about indefinite leave? Let them back when they're ready. I'm sure they'll be back in less than a month naman." suhestyon ko.
"That's good."
"I have works to do pa, dad. Mauuna na po muna ako." sambit ko at sumaludo na.
Bumalik na nga muna ako sa aking desk, hindi magkamayaw ang ngiti ko habang ginagawa ang trabaho ko. Sobrang saya ko lang talaga na nakauwi na sila. Mabilis kong tinapos ang trabaho ko para makabalik sa ward. Sakto lang din naman ang pagdating ko, kakatapos lang kumain ni Rachel.
"Hi." bati ko sakanya. "Kumusta naman tulog mo?" tanong ko.
"Namiss ko yung malambot na kama." wika niya at natawa naman kami. Nakaupo nalang siya ngayon sa kanina'y hinihigaan niya. "Seryoso, pakiramdam ko kailangan ko ng tatlong session ng massage para lang mawala ang sakit ng likod ko e." dagdag pa nito.
"I'll go with you." nakangiti kong sambit.
"Sira ka, gagastos ka pa. Hindi naman kailangan." sagot niya at hinampas ako.
Pinakatitigan ko naman siya saglit, hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti. Bakit hindi? Nakikita ko lang naman na nakangiti ang taong mahal ko. "I'm glad you're safe, Rachel." Wika ko at kinuha ang kamay niya and held it close to my cheeks. "I thought I was gonna lose you. "
"Jovs." She pouted. "In all honesty, I was losing hope." nakita ko naman ang takot sa kanyang mga mata. "Natatakot ako na sa pagpikit ko tuwing gabi ay baka hindi na ako magising. Natatakot ako na baka anumang oras ay pumasok sila at may gawin na kung ano sa amin. I was really scared, gusto ko nang tumakbo papalayo. I'm glad Mika was there. She's a ray of hope and positivity, she promised me na makakabalik kami, at yun ang pinanghawakan ko." Sambit nito.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fiksi Penggemar(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...