Jovs"Hey." Nakangiti kong bati kay Rachel at inabot ang dala kong umagahan.
"Ang aga mo naman." Sambit niya at tinanggal ang laman ng kanyang lamesa. "Is that for two? Kasi kung hindi, ibigay mo yan sa iba at kakain tayo sa labas."
Natawa naman ako. "You're enjoying this, aren't you?"
"Sure, I am." she winked at inilabas na sa paperbag ang dala ko. "Wait, you cooked?" tanong niya dahil nakalagay iyon sa tupperware.
Ngumiti naman ako. "Waking up early isn't new to me naman. Since maaga naman nga ako nagigising, why not prepare something for you diba."
She pouted before a smile slowly crept. Cute. "Alam mo, let's eat." Tumayo naman siya at naupo sa upuan na katapat ko. Bale, wala ng lamesang namamagitan sa amin. "Thank you."
Tumango naman ako. "Anything for you."
Napatingin ako sa aking wristwatch, maaga pa naman kung tutuusin dahil wala pang alas otso. Nagkwentuhan lang kami like the usual, random stuffs. Natigilan lang kami nang may kumatok sa pinto, hindi ko namalayang alas otso y media na.
"Mika." Bati ko nang pumasok siya.
"Lt. Reyes, are you late?" Tanong ni Rachel.
Tumingin lang siya kay Rachel panandalian. "Paanong hindi male-late, nakalimutan ata akong daanan ng kapatid ko kahit paulit ulit kong sinabing sasabay ako dahil coding ako today." Inis niya akong binigyan ng ngiti kaya natawa ako. "Katakot takot na bunganga nanaman inabot ko kay admiral." Napailing pa ito. "Nga pala, pinapaabot niya." Lumapit naman ito at binigay ang folder kay Rachel.
"Thanks, lieutenant."
"I'm off. Sige lang, maglandian lang kayo dyan." May halong pang-aasar ang boses nito. "Nga pala, Jovs, baka iwan mo ako ulit mamaya ha? Wala akong pang grab."
"Sorry na, bawi ako. Dinner on me." At nginitian ko siya.
"Whatever~ I'm off." Sabay salute niya sa akin saglit.
"You're really close?" Tanong naman ni Rachel.
"Bakit hindi?" Nginitian ko naman siya. "I hated her, aaminin ko. Mika's more mature kaysa sa inaakto niya. She can be playful most of the times but believe me, she can be the wisest person you could run to." Sabay tawa ko. "Nung mga bata pa kami, minsan sinasadya ko magpasaway para makuha atensyon ni dad. Alam mo naman yun, palo agad, and then there. Dun kami naging close ni Mika, she saved my skin countless of times."
Umiling naman siya at sinundot ang tagiliran ko. "Ang pasaway mo talaga. Umalis ka na, masabihan ka pang hindi nagtatrabaho, yari tayong dalawa." Tumayo na nga ako at gayun din siya. Inayos naman niya ang uniporme ko. "Have a good day, my lieutenant." Sabay halik niya sa pisngi ko.
"Alam mo, hindi pa man nagsisimula, buo na araw ko." Wika ko at sumaludo sa kanya. "I'll see you at lunch."
"Sure thing."
*****
Mika
Naihilamos ko na lamang ang kamay ko sa aking mukha dahil sa dami nang babasahin kong papers. Grabe naman talaga si admiral! Nalate lang ng 3 minuto kung anu-ano na ang pinagagawa.
Dahil alas dose naman na ay tumayo na ako para maglunch. Pumunta muna akong infirmary para sana ayain si Den na mukhang galit pa rin sa akin.
"Sot." Tawag ko sa kanya at tumingin siya sandali para iwasan ako. "Den naman, galit ka pa rin ba?" Tanong ko and pouted.
"Bakit ako magagalit? May karapatan ba ako?" Sambit niya at padabog na binaba ang gamit niya saka naupo sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...