Maze 33: Do it for me

505 24 42
                                    


Jovs

After the holidays, balik nanaman ang lahat sa normal. Dad and Mika, again— for the nth time, is not on speaking terms. Ni hindi nga nila binati ang isa't-isa noong pasko at bagong taon. Hindi ko naman masisisi si Mika kung bakit malayo ang loob niya kay dad. Akala ko talaga magiging okay sila pag uwi nila noong ma-hostage siya. There were signs, like Mika calling our dad— dad, dahil she addresses him admiral palagi. Dad had just to ruin it with the comparison. He always make her feel na hindi siya enough, na laging may kulang kahit ginagawa niya ang lahat sa paraang alam niya.

And now we're walking towards the admiral's office. Nakasimangot nanaman ang mukha niya kaya hindi ko mapigilan na hindi matawa kahit inappropriate.


"Isa, Jovelyn." Banta niya nang tumawa ako.

"I'm sorry." Patuloy ko pa ring pagpigil sa aking tawa. "Hindi na maipinta yang mukha mo." Wika ko.

Napabuntong hininga naman siya. "Nagtext sa akin. Happy birthday daw. Gago ba siya?!" Lalo akong natawa sa sinabi niya. "Sa halip na happy new year, happy birthday?! TANGINA, June birthday ko, hindi January." Kunot noo nitong kwento.

"Wala man lang bang pakaen? Nagbirthday, di nag-aya." Sabay tawa kong muli.

"Un-father ko na talaga yun." Wika nito kaya napahagalpak nalang ako sa kalokohan niya. Pinalo naman niya ang tyan ko gamit ang likod ng kanyang kamay. "Andito na tayo, magtino ka na."

Kumatok ako at marahang binuksan ang pintuan. "Sir, goodmorning, sir." Sabay saludo ko at itong katabi ko ay nakapamulsa lang.

"Lt. Reyes." Pagpansin nito kay Mika na tiningnan lang siya ng blangko kaya napailing na lang ito at sumaludo sakin pabalik.

"Pinatawag niyo raw ho kami?" Tanong ko. May inabot naman siyang file kaya agad ko itong ini-scan. "What?" Napakunot ang noo ko. Confidential mission.

"You can do it." Wika niya.

"Ofcourse, pero kung kami ni Mika ihaharap mo sa mga taong to— she'll surely be busted right away." Wika ko.


Ang misyon namin ay about this missing princess ng isang probinsya ng China who has been staying here sa Pinas for a long time, being lowkey. News are kept from spreading tungkol sa nangyari dahil baka kapag nalaman ng Chinese government ay magkaroon bigla ng malaking gyera.

Nasabi ko ang nasabi ko dahil yung binigay na profile sa amin ng kidnappers ay long time rival ni Mika— aside from me— noong training days palang namin. He was kicked out on his senior year because of hazing.


"I'm not asking you to go undercover, go on with your uniform. You need to retrieve that princess."

Muli kong binasa ang papel na hawak ko. "Wait." naningkit ang mga mata ko. "Tawi-Tawi?!"

Napahilot naman si dad sa kanyang sentido. "Yes, she was brought there. She was with her friends in Davao when the kidnapping happened. Luckily, hindi nila alam na isa itong prinsesa. The parents want their daughter be save in 4 days kaya sa inyong dalawa ko na iyan binibigay."

Mika scoffed. "Wow, kapag madalian gusto mong isama ako?" tumawa naman ito. "Ironic isn't it? I was never good enough for you pero sa akin mo inaasa yung mga trabahong urgent, at classified." napailing naman si Mika at nagkibit-balikat.

"Mika." pag-awat ko sa kanya.

"Call your troops, I call mine. Go ahead and talk to him about other details. Tatapusin ko na rin muna yung naiwan kong report para naman maipasa ko kaagad bago simulan yang trabahong yan." sabay alis nito.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon