Maze 44: Sunset

568 22 40
                                    



Mika

"Pinatawag mo raw ako?" tanong ni Ara nang makapasok siya sa opisina ko. I asked her to sit down, which obviously, she refused. Ego.

"Kung ayaw mo maupo, fine." Pinagdaop ko naman ang kamay ko at tiningnan siya ng mata sa mata. "Tapatin mo nga ako, gusto mo ba si Dennise?" seryoso kong tanong sa kanya at napairap naman ito.

"That's none of your business, captain." pabalang niyang sagot sa akin.

I rested my head sa head rest nitong upuan, also leaning back to somehow relax. Napabuntong hininga ako at napailing. "Then I should say the same thing to you, sergeant. Who I chose to be with shouldn't concern you." Nakita ko naman how her jaw tensed. "Sagutin mo ako nang matapos na tayo sa issue na 'to. Hindi yung parang bata ka dyan na dinaig pa yung involve."

"Fine. Gusto ko siya, and now what?" she chuckled forcefully. "Kaso sayo siya masaya e, anong magagawa ko. Para ka rin kasing gago, sobra ka kung alagaan mo siya tapos bigla kang mawawala? Dinaig mo pa ang multo. Minsan may paramdam madalas wala."

Tinaasan ko siya ng kilay. "I was clear that we're friends. Paulit-ulit kong sinabi yun kahit pa ba dumating ako sa puntong may nararamdaman na ako para sa kanya. Siya naman din dahilan why I chose not to pursue, she keeps on comparing me— which you know, I hated the most."

"Ang babaw mo naman." sabay ismid nito.

"Hindi yun pagiging mababaw, Ara. Tigilan mo na, kung pwede lang. Dennise deserves someone na kayang ibalik yung pagmamahal niya. I can't do that, not anymore, kasi my heart is already owned." nagpakawala ako nang mabigat na paghinga saka pumikit saglilt. "Hindi ko siya pinapasa sayo if that's what you think, pero tama na. I mean, this nonsense grudge you're holding against me. Wala akong kasalanan, Ara, ginusto ko lang maging masaya. Let me be, and you should be too. You're dismissed." sagot ko at inikot ang swivel chair ko patalikod.

"I'm sorry." narinig ko na rin ang pagsara ng aking pinto.

*****


Rachel

Mukhang naging okay naman ang pag-uusap ni Mika at Ara dahil hindi naman nadagdagan ang pasa niga sa mukha. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagdadrive siya, which she kind of hates daw dahil hindi siya makapagconcentrate. Minsan natatawa nalang ako sa girlfriend ko, but felt flattered at the same time because she feels giddy with all the little things that I'm doing for her. That's all that matters— her appreciating me.


"Babe?" sabay bukas ni Mika ng pinto at pumasok. "Tapos ka na? Tara?" nakangiti niyang sambit. Why does she looks so cute all of a sudden?

"Blooming ah." puna ko kaya tumawa naman ito at lumapit sa akin para hapitin ang bewang ko papalapit sa kanya. I gulped at the contact and she was smiling cutely kaya tinulak ko naman ang mukha niya palayo at tumawa siya.

"Bakit hindi? Mahal ako ng mahal ko e." she smiled widely, showing those adorable gummy smile.

"Lumayo ka nga, masyado kang cute." sabay tawa ko pero hinigpitan pa niya ang hawak niya, cornering me sa aking lamesa. Tiningnan ko naman siya, she looks tired but maganda pa din. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"I'm fine, it's just quite exhausting talking things out with Ara and Den separately. Ayoko talagang pinapaliwanag ang sarili ko." Napabuntong hininga na lamang ito kaya niyakap ko siya at marahang hinaplos ang buhok niya.

I tapped her cheeks lightly at tumingin naman siya sa akin. "Babe, let's relieve your stress na lang."

"Date mo naman ako, sobrang busy mo these past few days." She pouted. Tama naman siya, halos tuwing uwian lang kami magkasama. Ihahatid niya nga lang ako paminsan sa bahay e, dahil lagi ko naman kasabay si mommy magdinner.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon