JovsShe's—
She's really gone.
Umaasa ako na sa paggising ko ngayong umaga ay panaginip lang ang lahat.
Na makikita ko siyang nakikipagbangayan nanaman kay Villanueva, o inaasikaso ni Rachel.
Ngunit mali ako.
My partner in crime, my buddy, my bestfriend, my sister— in a blink of an eye, left us all.
Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanyang kinahihimlayan. My heart aches, I lost someone so dear to me. Lagi kong sinasabi noon, I'd take a fucking bullet for her, and that I am willing to risk my life.
But at that moment, I hesitate.
Nagdalawang isip ako, at bago ko pa gawin ay huli na ako. She was shot by de Leon.
Gusto kong magalit kay Mika, gusto ko siyang sisihin sa nangyari sa kanya. Bakit hindi niya inunahan si de Leon, bakit siya bumitaw; bakit— bakit niya kami iniwan.
"Condolence, Lieutenant." Sambit nang kakarating lang at tumango lang ako.
Ilang pakikiramay pa ang narinig ko, alam ko namang hindi mauubos ang tao pero parang gusto ko ng katahimikan. Gusto ko yung kami-kami lang muna sana, but knowing my sister, she had made a lot of friends, isa pa nandito rin ang ibang militar, mukhang hindi mawawalan ng tao dito.
Pinakatitigan ko lang siya, hindi pa rin ako lubos na makapaniwala. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang salamin na nakaharang.
"Mika." Pangalan pa lang ay halos maiyak na ako. Gusto kong makausap siya ulit.
"Hindi ko alam paano magsisimula." Wika ko habang kagat-kagat ang labi ko.
"Hindi ko pa din matanggap." Nagsimula nang mamuo ang mga luha ko kaya't nag-angat ako ng tingin at kinuha ang panyo ko.
"Para kang tanga, bumangon ka na dyan." Sambit ko pa bago ikuyom ang aking kamao.
Naramdaman ko naman na may yumakap sa aking bewang, hinarap ko siya at binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Nanginginig ang mga labing ako'y umiyak at niyakap siya. Hinawakan niya ang buhok ko at marahang hinaplos iyon habang hinahayaan lang akong basain ang kanyang damit ng aking mga luha.
Nanatili lang tahimik si Gretch habang inaalo ako. Nang ako ay nahimasmasan kahit papaano ay humiwalay na ako sa aming yakap. Tiningnan naman niya ako at inayos ang aking buhok.
"Kumain ka na muna, may pupuntahan pa daw kayo ni admiral." Wika niya.
"Ikaw? Kumain ka na ba? Would you mind joining me?" Tanong ko. Sa totoo lang, parang hindi ko kayang kumain mag-isa.
"I already did, pero I think I'll get some ice cream nalang muna. Go get your lunch, sunod ako." Ngumiti naman siya at pumunta muna kay Den.
Nagtungo na nga ako sa kusina at nakita roon si mom at dad na kumakain. Naupo ako sa tapat ni dad matapos kong kumuha at tahimik lang na kumain.
Hindi ko alam kung anong pinagdaraanan ni dad. Hindi ko alam pano niya i-tetake ito. I mean, iilang taon palang silang okay ni Mika, they had more to celebrate, pero hindi na rin nila magagawa ngayon.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...