MIKAI prepared my things na gagamitin namin for a week long medical mission. Hindi ko rin kinalimutan yung librong binabasa ko sa ngayon; it's about a pilot na na-arrange marriage sa apo ng bestfriend ng lola niya. Annoying nila sa totoo lang. Ang gago kasi? Alam nilang in a relationship yung captain tapos ganun?
Matapos ko magligpit ay tumabi na rin ako kay mom at yumakap sa kanya. No matter how old I am, I still want to be baby-ed by her dahil lumaki ako kay dad. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinayaang lumaki malayo sa kanya, pero nung nagkaisip na ako, hindi ko makuhang magalit sa kanya.
Tangina, kung masakit para sa akin, mas doble yung sakit para sa kanya. Kaya ngayon, I tried to be the best daughter— specially when she's around.
*****
Hinatid ko muna si mom sa airport bago pumunta sa campo. Maaga dapat ang alis naman, ayoko man gawin pero nagrequest ako kay dad na baka pwedeng i-usog; tutal siya naman nagbigay nitong parusang to. Does he really think that battlefield is my comfort? Maybe some soldiers would think that this is kind of demotion, pero nope, not for me.
2 PM daw kami aalis, pero dito na ako dumeretso sa library para tahimik, panigurado ay tatalakan nanaman ako ni admiral. Nakakayamot naman din talaga, lahat ata sa akin na isinisi kaya hindi na rin ako nagpapaliwanag sa kanya.
"You're here." rinig kong sambit kaya I hang my head sa edge ng upuan para makita kung sino iyon. To my delight, it was Lt. Rachel. "Shutting people away, huh?"
Ibinalik ko naman na ang tingin ko sa aking binabasa. "Nah, I just hate the world today." maikli kong tugon. "Ikaw?"
"I have nothing to do." saka siya naupo malayo sa akin. "About the other day—"
"Yeah I know, alam kong wala lang yun. Nothing to worry about." inunahan ko na siya. "I'll mind my own business." I sighed. I'm not disappointed, wala lang talaga ako sa mood today because of mom's departure, miss ko na siya agad.
"Are you okay?"
Natawa ako. "Please, Lt., I'm fine. Hindi rin ako sanay na mabait ka sakin."
"Excuse me, I was just asking. Hindi rin ako sanay na tahimik ka, yun lang." pagsusungit niya. That's more like it.
"Don't miss me. I'm going for a medical mission." Bahagi ko sa kanya at tinapunan siya ng tingin.
She scoffed. "Wala akong pake."
Natawa naman ako. "Pero if you want round2 okay lang, I'll run back." Sabay kindat ko na ikinairap niya.
"Bold of you to assume I'd want more. Feeling mo ganun ka kagaling?" Hamon niya.
"HAHAHA!" Napalakas ang tawa ko, maigi na lamang ay wala ang bantay. "I'm not assuming, Lt. I know because I heard you."
"Fuck you." Sambit niya.
"When? Where? Name it." Sagot ko halatang inis na siya kaya nginisian ko na lamang siya.
"I shouldn't have talk to you, asshole."
Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa, minsan talaga wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin. No matter who they are, I don't give a damn lalo na't kapag ayoko talaga makipag-usap. It was 1:30 PM nang tumayo ako at para dagdagan pa ang inis niya ngayon araw ay nilapitan ko siya and slid a piece of paper na may numero ko.
"Call me if you feel like doing something extra." I winked at inirapan niya akong muli. Lumapit naman ako sa kanya. "Off I go, lieutenant. Wag ka mag-alala, papasalubungan kita. Either delicacies or me." I smirked and poked her nose bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...