Maze 64: I hate you

695 28 47
                                    


Jovs 

Kumuha ako ng isang bucket ng yelo at isang bote ng whiskey saka iyon dinala sa kwarto ni Mika. Nabigla naman siya nang pumasok ako kaya't napaupo siya mula sa pagkakahiga niya. 


"Oh? Iinom ka?" usisa niya. 

"Samahan mo ako." utos ko at nilapag na ang dala ko sa maliit na lamesa niya. 

"Jovs, maaga pa ako bukas. Sasamahan ko si Col. de Leon." kamot batok nitong sabi at umupo naman sa harap ko. "Pero sige na nga, konti lang ha." pagpayag niya kaya inabot ko na yung bagong bukas na beer. 

"Hindi ka naman malalasing dyan."

Mika scoffed. "Excuse me? Whiskey? Hindi malalasing?" sabay tawa nito. "Basta konti lang talaga. Papagalitan nanaman ako ni dad, I really don't want to disappoint him anymore." she smiled. 

"Tell me, what happened between you and dad? Like what really happened in this sudden good relationship of yours? Last time I checked, you both detest each other." sabay tawa ko. 

She smiled, the most genuine one. "Maybe he grew tired na sitahin ako." napailing pa ito. "Dad just snapped, I guess? One day he's mad and then the next day he's sorry for everything. Alam mo yun? Ang dami ko palang namiss-out because we're doing this cat and mouse play. Hindi naman na ako naghahabol sa pagmamahal ni dad, but when he decided it's about goddamn time—" napaangat pa siya ng tingin, pinipigilan ang sarili maiyak. "I was happy, hindi ko alam saan ko ilalagay yung kasiyahan na yun. I mean, I'm okay naman nung naggagaguhan kami e, but everything felt lighter. Nung nawala ka, para akong nawalan ng kakampi e." tumingin naman siya sa akin at muli akong nginitian. "Then dad, he finally had some balls to be a father to me. He made sure I feel loved sa  mga maliliit na bagay, and mind you, he's a romanticist."


Natawa ako sa sinabi niya, talks like this with Mika made me feel a little bit okay. I really missed the little things, I guess I have to take mom on a date sa susunod na araw. I was too obsessed with getting better. 

Muli akong naglagay sa kanyang baso at ganon na rin sa akin. 

I just need to get this off my chest kaya huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng kanyang terrace. 


"Rachel broke up with me." sa sinabi ko ay nasamid siya kaya napakunot ang noo ko at dali-dali siyang kumuha ng pamunas saka bumalik sa kanyang pwesto. "Okay ka lang?" Tumango naman siya. Napabuntong hininga ako at sumandal sa aking kinauupuan habang nakatingin sa basong hawak ko. "May iba na ata e, hindi ko alam, pero yun ang kutob ko." sambit ko at uminom. 

"Well, how would you take that?" 

I shrug. "Hindi ko alam. Sino ba? Si Villanueva? O yung isa pang kapitan?" tumawa naman ako. "Malaman ko lang—" I bit the inside of my cheek dahil naiinis nanaman ako. 

"Ano bang sabi niya sayo?" usisa niya. 

"Na may mga bagay na hindi na pwedeng ipilit. Na mahal niya ako, pero hanggang kaibigan nalang talaga." naramdaman ko naman ang pamumuo ng mga luha ko sa aking mata kaya uminom ako, baka sakaling makatulong sa pagtigil ng mga ito. "Sorry daw kung hindi niya ako nahintay." Napatingin ako sa kanya, wala man lang bang sasabihin ito? Hindi ba't siya ang love guru sa aming magkakaibigan? 

Tumingin siya sa akin. "I gotta go, pinapatawag ako sa crame." sambit niya at dali-daling sinuot ang uniporme niya. "Shit, shit." wika niya at nagmamadaling umalis. 

*****


Mika 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon