Maze 52: She's off

432 25 14
                                    



Mika

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi pa ako handang umalis, pero wala naman akong ibang magagawa dahil bilang isang sundalo, it's part of my duty.


"Can't even celebrate New year with you." I pouted matapos kong masara ang maleta ko.

Tumawa naman siya. "Ano ka ba, bagong taon lang iyan. Bagong taon, pero ikaw pa rin naman." Sabay kindat niya dahilan para mapailing ako.

"Dapat lang." sabay tawa ko at tumayo na. Itinabi ko na rin muna sa gilid ang maleta ko. "Ano? Kain na tayo? Magluluto ba ako or bibili nalang tayo sa labas?" Tanong ko.


Sasagot na sana siya nang may biglang kumatok kaya sinabi niyang siga na ang magbubukas nun dahil baka daw chix ko yun. Lol, parang tanga paminsan. Sa tingin ba talaga niya ay ipagpapalit ko siya?


"Babe, si admiral." Sambit ni Rad kaya lumabas ako ng kwarto.

"Dad, napadaan ka?" Tanong ko.

Lumapit naman si Max sa kanya at agad itong hinarot. "Can I talk to you?" Sambit niya.

"Oo naman."

Tumingin naman siya kay Rad. "Just the two of us sana." Wika nito kaya napakunot ang noo ko at napatingin kay Rad.

"Take out nalang ako ng food, I'll take Max for a walk na din." She smiled and took the leash saka ito kinabit kay Max. "Text me what you want." Sambit niya at lumabas na rin.

Naupo naman ako sa single couch. "Ganun ba kaimportante to, dad?" He nodded.

Pinagdaop naman niya ang kanyang mga kamay at nagdequatro. "Mika, anak." He sighed. "Handa ka na ba?"

Umiwas ako ng tingin. "I still don't get it. Bakit ako?"

"Bakit hindi?" Balik nito sa akin, that made me pout at natawa naman siya.

"Mika, hindi ko rin maintindihan pero please lang, avoid getting in trouble there. Wala ako to save your ass kapag may ginawa kang kalokohan against them." Paalala nito.

"Dad, alam ko naman yun. Isa pa, may uuwian pa naman ako dito." Sabay ngiti ko.

Sumeryoso naman bigla ang mukha niya. "Mika, what would you do kapag bumalik ang na ang kapatid mo?"

That stun me. Why does everyone have to ask that question? "Hindi ko alam, dad."

"I'm worried sa inyong dalawa. Loving the same person is hard." Wika nito that made me feel guilty. "I just hope you stand for what you think feels right. Mika, I'm not asking you to let Major Daquis go, what I'm asking you is, push for whatever makes you happy." tumayo naman siya at lumapit sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Malaki ka na, hindi lahat ng pakiramdam mong tama ay dapat." Then he smiled.

Tumayo naman ako at yumakap sa kanya. "Thanks, dad." He patted my back at nginitian ako.


He stayed for a while dahil niyaya ko na rin siyang sumama sa dinner namin. Plus, he's taking Max home muna.

He bid goodbye matapos namin manood ng isang palabas, so it's just me and my favorite person here. Hindi na rin siya nagtanong dahil nga pribadong usapan iyon.

Nahiga naman si Rad sa couch at umunan sa lap ko. She took my hand at iniyakap iyon sa may tyan niya while also holding it. I love this feeling, yung pakiramdam na safe ka.


"Ikaw ang tahanan ko, at ang pahinga." Sambit ko habang iniikot ang buhok niya sa aking daliri. Napatingin naman siya sa akin kaya agad ko siyang nginitian.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon