Rachel"Sigurado ka ba?" Tanong ko kay Mika.
Kanina pa siya nagrereklamo dahil hindi na daw niya maintindihan yung prinsesang binabantayan niya. Minsan sinasama siya, madalas hindi; kaya ngayon, hindi niya na talaga alam kung ano daw ba talaga ang pinunta niya doon. Ngayon naman nagkukwento siya na parang nilalandi daw siya. Minsan talaga, ay hindi— madalas mahangin ang ulo ng girlfriend ko.
"Hindi, feeling ko lang." sambit niya kaya natawa ako.
"Alam mo, ikaw? Bawasan mo yang hangin sa ulo mo." Sagot ko at nagmake face naman siya.
"Hindi ka man lang ba magseselos? Grabe, Rad, hindi mo na ba ako mahal?" Pag-iinarte niya kaya napailing ako. "Hoy, ano?! Bakit may pag-iling? Hindi na?!" At sumimangot na ito.
"Tanga, nakakatawa ka." Kunot noo kong sagot. "Bakit ako magseselos? Nilandi mo ba pabalik ha?" Usisa ko at agad itong umiling.
"Takot ko lang sayo. Baka nandito ka na mamaya kapag ginawa ko iyon." Natawa naman ito at ngumisi. "Gawin ko kaya para naman puntahan mo ako dito?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Iuuwi kita dito agad agad, pero yung tipong hindi ka na makakalakad." Nginitian ko naman siya ng pilit. "Subukan mo lang, Mika Aereen, sinasabi ko sayo."
"Joke lang e. How's work?" Umayos naman siya ng pagkakahiga.
"Work's fine. Ay! Finally!" Bigla kong naalala at natawa naman siya.
"Alam ko na, you're going on a mission?" She chuckled na akala mo'y nang-aasar. "Congrats, major." She even stucked her tongue out.
"Ge mang-asar ka, humanda ka pag-uwi mo." I rolled my eyes.
"Miss na kita." Bigla niyang sambit at napabuntong hininga.
"Told you, babe." I chuckled. "Diba nga bawal malungkot."
"Pwede ba yun?" Kunot noo nitong sambit.
"Ang arte mo."
"Palibhasa di mo ako namimiss."
Natawa nalang ako lalo. "Para kang bata, mahal." Nginitian ko naman siya. "Please don't get sad. Malulungkot lang tayo parehas habang nag-uusap. Tapos mamaya mag-iiyakan na tayo dito. Parang tanga diba?"
She sighed. "Bakit ako iiyak, chiks ka ba?" Pangbabara nito kaya I gave her my middle finger salute.
I heard a knock from kaya napabangon naman siya sa kanyang kinahihigaan. Wala namang pinagkaiba ang oras niya sa oras ko, alas gis na ng gabi. Sino namang mang-iistorbo ng tao sa gantong oras.
"The princess is asking for your presence." Rinig kong sambit nung lalaki.
"The heck." Mika hissed. "I'll be right there in a few minutes." Sagot niya at malungkot na tumingin sa akin. "Sabi sayo unpredictable yung babaeng yun e. I gotta go, babe."
"Alright. I'm going to sleep, maaga pa ako bukas. Mag-iingat ka, okay?" Paalala ko sa kanya.
She smiled. "Ofcourse, babe. Uuwi pa ako, uuwian pa kita." Then she winked. "Goodnight, major. Ingat ka din."
"Miss na kita! Love you."
"Same." Epal niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang e. Mas miss kita. I love you, babe."
I was hesistant to end the call but did it anyways. I would be having a quick mission lang naman. Mahaba na nag 3 araw para dun.
Napatingin ako sa conversation namin ni Mika. She's just sending nonsense and weird things which I find, well, quite entertaining. Namimiss ko na si Mika.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fiksi Penggemar(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...