Maze 69: All we need is time

819 31 36
                                        




Mika

Hinatak ako ni Rad at napansin kong namumula ang palad niya. Napaupo rin kasi siya kanina sa pagkakatulak sa kanya ni Jovs kaya I felt bad. I stopped walking kaya nilingon niya ako since nauuna siyang maglakad. I pulled her for a hug, I just badly needed one.


"Hey." mahina niyang sambit at hinagod ang likod ko.


I wasn't ready for any of this. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya, hindi pa ako handang ipaliwanag kung anong nangyari, the inbetweens and even our struggles.

So why? Why does she need to find out in the most outrageous way.

Me, her sister— kissing her ex girlfriend's cheek and even holding her hand.

Pucha.

Napabuntong hininga ako at lalong napahigpit ang yakap kay Rad.


"Masama ba akong tao?" Tanong ko sa kanya at napasinghot. Nagbabadya na ang mga luha ko. Am I a hypocrite? Umiiyak matapos saktan ang isa sa mahalagang tao sa buhay ko?

"No, you're not, babe." Patuloy niyang hinahagod ang likod ko. "Halika na sa infirmary, gamutin na natin yang labi mo at nang hindi masyadong mangitim yang pasa mo sa mukha."

Humiwalay ako sa yakap niya at tinakpan ang aking mga mata. "Nasaktan ko yung kapatid ko. I knew the consequences, but I still pushed through."

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa bewang ko. "Para mo na ring sinabi na mali yung tayo, na nagsisisi kang minahal mo ako." Napatingin ako sa kanya at bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

I realized that I am hurting them both. I bit my lower lip. "Sadly, yes." I honestly said at napayuko siya. I held her cheek at tinaas ito ng tingin, meeting my eyes. "A part of me will always ache sa nagawa ko sa kapatid ko, which I will always have regret. Nagsisisi akong minahal kita— but not in the way you think." I smiled at her at humalik sa kanyang noo. "I regret loving you at the wrong time. I'm sorry for this mess."

Hinawakan naman niya ang pisngi ko at agad akong napangiwi sa hapdi. "I love you, babu." My lips quivered as she took me in a warm hug.


I cried in her arms, she stayed and held me closer to her; telling me that it's okay and that we didn't chose this, but our hearts did. Natawa ako nang kaunti dahil sa sinabi niya kaya humiwalay na ako sa yakap, masakit na ang mata ko dahil na din sa suntok ni Jovs malapit dito.

Muling hinawakan ni Rad ang aking kamay, at sinabayan ang lakad ko. Natuhod ako ni Jovs kaya kumikirot ang tagiliran ko.

Nang makarating kami sa infirmary ay nandun si tita Racquel. Agad akong dinaluhan nito at maya maya'y dumating na rin si dad. Hindi pa rin pala siya nakakauwi. Tinanong niya kung anong nangyari at sinabi naman ni Rad ang totoo. He sighed, all of us know this would happen.


"Are you okay?" Tanong niya nang iwan kami ni Rad at ng mom niya.

I smiled. "Malayo sa bituka, dad." Tumawa ako at napangiwi rin dahil sa sakit ng tagiliran ko.

Hinaplos naman niya ang buhok ko. "Buhay ka pa naman, kaya mo na yan." Sabay tawa niya at napangiti ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"Hindi pa daw kami tapos, dad." I pouted at tumawa siyang muli.

"Ganyan talaga, anak. Hindi sa ngayon, sarado pa tenga non."

"Like you, most of the times." I smirked at napailing naman ito. "Anak mo nga siya."

"You got me there." He smiled at hinawakan ang kamay ko. "Let her cool, I know one day magiging okay din kayo."

"I hope so too, dad." Sagot ko at napabuntong hininga. "About Uno's lab, dad?"

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon