MikaNakatingin lang siya sa akin, so I was wondering kung may dumi ba sa mukha ko kaya agad kong kinuha ang salamin sa aking drawer dahilan para matawa siya.
"What?" Kunot noo kong tanong at umiling ito. "Kanina ka pa nakatitig. Kung chocolate ako, tunaw na ako."
Nagshrug lang siya. "Date tayo?" Paanyaya niya.
"May kasalanan ka ba?" Usisa ko at hinampas naman ako nito.
"Grabe ka! Niyaya ka lang magdate, may kasalanan agad?" Umirap ito kaya natawa ako.
"Major, ikaw ba ay walang trabaho ha? Kanina ka nakatambay sa opisina ko." Sambit ko. "Ano bang kalangan mo?" Tanong ko.
She grinned. "Ikaw."
"Gago." Pagpigil ko ng kilig. "Di nga?"
"Yayayain nga kitaaaaaa." Then she pouted. "Come on, please?"
A knock startled us, kaya't sinabi kong bukas iyon. I was surprised to see dad kaya tumayo kami parehas at sumaludo sa kanya. He saluted back at naglakad papalapit sa amin.
"Having a good time?" Tanong niya.
"No, ginugulo niya ako." Biro ko at hinampas nanaman ako ng babaeng kasama ko. "What brought you here, dad?" Tanong ko.
May inabot naman siyang isang brown na envelope. "Open it."
Ginawa ko naman ang sinabi ni dad. It's a classified mission, and he wants to send me to— what the fuck.
"Dad, seryoso ba? China?" Angil ko. "Anong gagawin ko dun?" Napatingin ako kay Rad sandali. "Dad, ang layo ng China." Malungkot kong sambit. "Isa pa, hindi naman ako pwedeng magsagawa ng mission dun, papatayin ako ng tao ng republika ng tsina."
Kumunot naman ang noo niya. "Woah, slow down, kid. Wala ka namang gagawin dun, it's just—" he sighed. "Someone you met wanted your assistance."
"And who the fuck is he or she?" Inis kong sambit.
"Remember—" natigilan naman siya bigla at napaiwas ng tingin. "The princess you saved."
Nanuyot ang lalamunan ko. Biglang naging iba rin ang hangin sa loob ng opisina ko kaya napatingin ako kay dad. Ngumiti naman siya at tumango, assuring me he's okay.
"Nagpadala siya ng liham, personally picking you as her bodyguard." Sambit pa nito.
"But why Mika? Hindi lang naman siya ang naroon nun, admiral. Isa pa, how insensitive of her para magparamdam pa after what happened." Kunot noong sambit ni Rad.
Hindi ko alam kung para saan ba yung litanya niya, sa akin ba o sa kanya. Sa akin ba naging insensitive, o sa kanya. Nakaramdam ako ng selos, kahit hindi dapat; at naiinis ako sa sarili ko dahil dun. Hindi ko mapigilang tanunging ang sarili ko, "Ako ba talaga?"
"Major." Pagtawag ni dad ng kanyang pansin, na para bang nag-usap sila sa mata.
"I'm sorry." Malambot na wika niya.
"Captain Reyes, you'll leave at 1200 hours the day after tomorrow." Sambit nia dad.
"And how long would this take?" Tanong ko.
"A week or two. O baka isang buwan."
"That long?" Malungkot kong tugon. "Teka, ako lang ba?"
Tumango naman siya. "I know you'll miss your girlfriend, huwag kang mag-alala, I'll look out for her." Pang-aasar pa ni dad.

BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...