Maze 30: Bakit hindi na lang ako

481 26 30
                                    




Mika

"Mika Aereen." sambit ni dad at naihilamos na lamang ang kanyang kamay sa kanyang mukha. "Hindi ka nanaman nag-iingat." wika nito. "Lagi ka nalang bang uuwing sugatan dito ha?"

Natawa ako kahit inappropriate, gusto ko lang din maging magaan yung pakiramdam ko around dad. We're on speaking terms pero unti-unti naman atang nag-iimprove. "Dad, I make it out alive." I smirked.

"Lagi pang napapahamak sayo si Lt. Daquis." dagdag pa nito dahilan para sumimangot ako.


Am I really to blame? Heto nanaman kami e, magiging okay pero siya rin naman nagdadagdag sa agwat naming dalawa.

Did he summon me just to blame me? Hindi man lang ako kinamusta, hindi man lang tinanong kung may masakit ba sa akin. But to answer that, nothing hurts— just this fucking conversation of an unconcerned dad and his daughter.

Nung na-hostage, sobrang nag-alala. Nung nakarecover, balik sa pagiging gago.


"Admiral." my change in tone caught his attention, good. "Was it my fault that Tres was killed by his business partners? Kasalanan ko ba na nandun kami nung araw na umatake din sila? Our plan was good." nagsalubong na ang kilay ko sa inis. "You can't go and blame people just because something didn't go as planned." tumayo na ako at kinuha ang sumbrero ko. "Have a nice day, admiral. I'll go get my wounds check."


Inis akong lumabas ng kwarto niya, hindi ko na hinintay ang sagot niya. Ni ang sumaludo ay di ko ginawa dahil napipikon talaga ako. Wala naman akong pakialam kung ang kapatid ko lang magaling sa mata niya, pero sana wag siyang sisi nang sisi.

Nagpunta na akong infirmary at sinalubong naman ako ni Den ng may pag-aalala sa kanyang mukha. Pinaupo niya ako saka ginamot ang mga sugat ko.


"How are you?" tanong niya sa akin at marahang hinubad ang uniporme ko leavjng me with my white shirt. Ginupit rin niya ang pants ko. "Ang lalim ng sugat mo."

"Sugat lang yan." maikli kong sagot at narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Ang tagal mong nawala, nung nakabalik ka, halos hindi ka rin nagparamdam." panimula nito at alam ko na ang pupuntahan nitong pagdadrama niya. "Ngayon naman uuwi ka na sugatan nanaman."

"I'm sorry." sambit ko at hinayaang nakapatong ang kamay niya sa mga palad ko. "You know me, minsan makulit pero madalas hindi." sabay tawa ko.

"Pero si Rhian nadalaw mo." she pouted before cleansing my wounds.

"My ghad, Dennise." sabay tawa ko at umismid. "Don't tell me your jealous?"

"What? No." at binawi niya ang kamay niya saka kumuha ng bulak na may betadine at nilagay iyon sa sugat ko. "Ano ba yang pumapasok sa isip mo ha."

Napailing na lamang ako. "Pero nagba-blush ka." kumento ko at hinampas niya ako. Why do people love to smack my wounds?! "Aray." Masama ang tingin niya at kumuha ng bulak saka muling pinahid sa akin. Napaaray ako dahil alcohol pala iyon. "Oo na, hindi na." Hinipan-hipan ko naman ang aking sugat. Siraulong 'to.


Napatingin naman ako sa kanya at umiiyak na siya kaya hinawakan ko ang kanyang mga pisngi. Pilit niya iniiwas ang tingin sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at hinatak siya papalapit sa akin para yakapin. I told her how sorry I am sa mga actions ko.

Marami akong katanungan ngayon, at gusto kong masagot agad kaya niyaya ko siyang lumabas. Aayaw pa sana siya dahil sa mga sugat ko pero kaya ko naman e. Malayo sa bituka, malayo kay kamatayan.

I submitted some reports first about our recent mission, nakakahiya sa tatay kong ako palagi ang nasisisi e. Lahat nalang ng gawin ko mali para sa kanya. Maybe we really are a hopeless case, ano pa nga ba, anak lang naman niya ako dahil sa katangahan niya.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon