MikaAnd her kiss felt like fireworks.
I was stunned. Nanatili akong nakatingin sa kanya dahil sa nangyari.
Wait, ano ba yun?
Affirmation?
She smiled at yumakap sa akin. "Mahal din kita." Mga salitang sinabi niya dahilan para magpintig ang tenga ko. Am I hearing things? Nabingi na ba ako dahil sa concert? Shet. "I think, we should go out na rin. People are leaving already. We'll talk about this over coffee, shall we?" Tanong niya kaya tumango na lang ako at nagpatianod sa paglalakad.
She held my hand habang umaandar ang sasakyan. Hindi ako makatingin sa kanya kaya narinig ko nalang ang pagtawa niya. She scoot closer at pinahinga ang ulo niya sa balikat ko. She didn't said a word, no more chuckles— maliit na buntong hininga at paghigpit ng hawak ng kanyang kamay ay sapat na para makalma ako. Not in a sense na nakarecover na ako sa nangyari ngayong araw, but— I felt home.
Nang makarating kami sa coffee shop ay hindi niya ako hinayaan mag-isa sa counter, well— she's still holding my hand, and I can't help but feel giddy.
"Babe."
"Miss ano pong order niyo?" tanong nung nasa cashier sa akin.
"Babe."
"Isang Caramel Macchiato saka—"
"Babe." sabay kurot sa akin ng katabi ko.
"Ano?" tanong ko.
"Kanina pa ako babe nang babe." sabay simangot nito.
Tumingin ako sa cashier at tinuro ang sarili ko. What? Is she calling me babe? "Is that supposed to be me?" tanong ko sa cashier at natawa ito bago tumango. I pursed my lips at tinago ang mukha ko sa leeg ni Rad. "Gago, bakit ka nagpapakilig?" tanong ko.
Natawa naman siya. "I'll pay up." sabay pat niya sa akin. "Here." kinagat ko na lamang ang balikat niya. "Gago ka din, maupo ka na nga. Wala ka na sa ulirat."
Tiningnan ko naman siya. "Sino kayang may kasalanan?" at tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto ko nung blueberry cake." demand ko pa.
"That's carbs."
"I don't care." sabay irap ko at tinulak naman niya ako.
"Ang arte mong damulag ka. Oo na, umupo ka na." sabay bitaw niya sa kamay ko at tumawa nanaman.
"Ang cute niyo po." kumento nung nasa cashier.
"Alam ko." sagot ni Rad kaya napangiti na lamang ako.
Naghanap na ako ng mapupwestuhan. Maigi na lamang dahil hindi pa puno ang shop kaya sa may sulok ako pumwesto. I already had enough human interaction for the day kaya gusto ko munang lumayo sa kanila.
Maliban nalang sa babaeng paupo na ngayon sa tabi ko.
"Ayaw mo sa harap ko?" tanong ko sa kanya.
"No. I like your warmth." tumingin naman siya sa akin. "May reklamo?" saka ako tinaasan ng isang kilay.
Umiling ako. "Wala po, kapitan." I gave her an unamazed look. I sighed at kumuha ng parte ng cheesecake at sinubuan siya.
Her hands found mine again. Hindi pa rin ako sanay, pero parang ayoko na bitawan. "Pahingi pa." sambit niya kaya muli kong sinubuan.
"Ako ang may gusto bakit ikaw ang kumakain?" tanong ko.
"Gusto kita, so ikaw ka—" muli ko siyang sinubuan. Kahalayan nanaman laman ng bibig niya e. Tumawa naman siya at uminom ng kape niya. "Labyu."
Napaiwas ako ng tingin. Parang gago.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...