RachelShe's grinning stupidly in front of me kaya tinaasan ko siya ng kilay but she kept her lips curved upward na akala mo'y ikinatutuwa ko iyon. Tinitigan ko naman siya at nawala na ang mata nito kakangiti.
Ano kami?
Hindi ko alam.
What happened the last day, hindi namin pinag-usapan iyon. Wala siyang ibang sinabi matapos niyang tumugon sa aking halik. Wala na siyang ibang sinabi maliban sa palubog na ang araw. Ngumiti lamang siya at umunan sa aking hita.
Hinayaan ko na lamang siya, tutal mukha naman siyang masaya; which ofcourse, made me happy as well dahil napapangiti ko pa rin naman pala siya sa maliit na paraan.
"Capt. Reyes, wala ka bang trabaho kaya't nandito ka?" tanong ko sa kanya . "You're kind of distracting me, alam mo ba yun?" sambit ko habang nakatingin dito sa aking ginagawa.
"Aalis kasi ako." sambit niya.
"And then?" tiningnan ko na siya. "Hindi ko alam kung gusto mo akong pahirapan o ano e." nginitian ko siya ng pilit.
Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Okay, I'm heading out. Sorry."
Tumayo naman siya pero tinawag ko nang bubuksan niya ang pintuan ng aking opisina. "Mag-iingat ka, tanga ka pa naman." I pursed my lips, nagpipigil ng ngiti.
I heard her chuckle. "Yes, ma'am." and the door closed.
I sighed at tiningnan ang aking bintana. She walked with great authority with every step she took. She looks so fucking cool, kaya hindi na rin ako magdududa kung sa susunod ay pupuntahan na ako ng jowa niya dito para awayin.
Speaking of jowa, pumasok din si Jovs sa aking opisina. She looks so uneasy kaya I asked her to take a seat. Inilapag naman niya ang dala niyang pagkain sa aking lamesa at ngumiti ng may pag-aalinlangan.
"Anong problema?" tanong ko.
"Wala naman." maikli niyang sagot at tumingin-tingin sa paligid na para bang may hinahanap. "Bakit galing dito si Mika?" tanong niya.
"Ah, may sinabi lang siya." maikli kong sagot.
"Kailangan ka pang puntahan?"
Napakunot naman ang noo ko. Bakit? Nagseselos ba siya? Ni wala namang ginagawa ang kapatid niya, halos ngayon na nga lang ulit iyon pumunta ng walang dahilan dito. "Are you hearing yourself? May ni-relay lang siyang message, anong mali don?"
"Nagtatanong lang naman." sabay ngumiti siya ng pilit. "Let's have dinner later?"
Tumingin naman ako sa kanya, her eyes were hopeful. "Fine. Saan ba?" usisa ko.
"Para ka namang napilitan niyan e." natatawa niyang sambit.
Well, I am. "Marami lang akong dapat gawin, Jovs." nginitian ko siya. Totoo na man din marami akong ginagawa. Marami akong basahing dapat tapusin at gawan ng report. Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa aking lamesa. "I'm giving you what I can give."
"Bakit pakiramdam ko nanlilimos ako?" she bit her lips, holding herself from crying.
Kasi marami nang nagbago. "Marami lang talaga akong ginagawa." napahilot pa ako sa aking sentido. "Pumayag naman ako diba? Jovs, may mission tayo this friday, it's a big one and I have to do plans for it." Paliwanag ko. "We're having dinner mamaya, please lang, wag ka na muna maglagay ng kahulugan sa lahat. Pagod na ako."
Pagod na akong magpanggap.
"Napapagod na rin ako sayo." sabay tayo niya. "You've changed, A LOT. At para bang hindi ka masaya na nandito ako."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...