MikaPakiramdam ko ay nangangalay ang balikat ko, at parang may mabigat. Agad akong napatingin sa aking kaliwa. Kaya naman pala, ginawa akong unan. Napangiti na lamang din ako, that felt the best sleep I had simula nang mahuli nila kami.
Imagine waking up tapos itong gandang to ang una mong makikita?
Yeah. I could only imagine.
Nanatili akong tahimik, hindi gumagalaw dahil baka magising ko siya. Tumingala ako sa kisame, nakakamiss na rin makita ang kalangitan, ang mga puno pati na rin ang mga nagtataasang building. Namimiss ko na rin maligo— seryoso, ang baho na namin dito.
Bigla namang may sumipa sa pintuan kaya nagulat itong katabi ko, hindi man lang talaga marunong magsikatok ang mga lalaking to. Sinubukan kong tumayo at dahil masakit pa rin ang aking sikmura ay nahirapan ako, dahilan para hatakin ako nung isa patayo.
"Move!" sabay sipa sa akin sa may binti kaya napaluhod pa ako.
"Susundin naman namin kayo! Hindi kailangan maging marahas." iwinaksi naman ni Lt. Daquis ang pagkakahawak sa kanya at tinulungan akong tumayo. "Okay ka lang ba, Mika?" tanong niya.
"Kaya, lieutenant." sagot ko. Inalalayan naman niya ako tumayo at iniakbay ang braso ko sa balikat niya. "Sandali, kaya ko." pagpupumilit ko pero tiningnan niya lang ako ng masama.
"I'm still your commanding officer at the moment, and I am ordering you to let me help you." Sambit niya.
Nakatutok ang mga baril sa likod namin habang kami ay naglalakad. Ang sakit pa rin ng sikmura ko kaya kung magbabalak kaming tumakas ay hindi ko rin kakayanin. Nasa utak ko pa naman ang mapa ng lugar na ito, I know where to go and hide pero I can't risk us being killed.
I won't, for her sake.
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Nang tumigil ang nasa harap namin ay tumigil rin kami ni Lt. Daquis sa paglalakad. Bigla naman akong tinuktok sa likod ng baril at muling sinipa ang binti. Tangina naman. Napaluhod nanaman ako at maigi na lang ay naitukod ko ang kamay ko sa damuhan. I hear them laughing, I clearly remember their faces. Tiim bagang kong pinanggigilan ang mga damo, I swear, babalik ako dito. With my plans, and no Santillan na hahadlang sa plano ko. Lalong walang hostage, I'll make them pay for hurting me, for hurting her.
Nagtatawanan pa sila bago itutok ng isa sa ulo ko ang kaniyang rifle. Pft! Matapang lang sila because they outnumbered us.
"Mika." wika ni Lieutenant habang pinipigilan siya ng isang lalaki.
Nginitian ko siya. "I'll be okay."
"Okay? Okay ba yan?!" inis niyang sambit.
Tinawanan ko naman siya. "Lieutenant, if I die, I die."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...