Rachel"Hi." Bati ni Mika habang humahangos. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya dala ang isang panyo at pinunasan ang pawis niya. Iniangat ko pa ang military hat niya dahil init na init na ako sa itsura niya.
"Hindi mo naman kailangan tumakbo." Natatawa kong sambit. "Totoo pa rin naman 'to diba? Gising ako at hindi ito panaginip?"
She chuckled at ipinahinga ang noo niya sa akin. "Hindi na nga aalis pa." wika niya at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry, natraffic kami ni col. de Leon." Sabay ngiti niya.
"Ang mahalaga nandito ka na." Sambit ko at yumakap sa kanya. "Pawis na pawis ka, sino ba naman kasi nagsabi sayong tumakbo ka?" Idinukdok ko ang hawak kong towel para siya na ang magpunas sa sarili niya, malaki na siya.
"Rad, matagal tayong hindi nagkasama dahil sa katangahan ko. Sabik lang akong makasama ka ulit." She grinned habang pinupunasan ang likod niya.
Nakarinig naman ako ng katok at sumunod ang boses ni Jovs kaya agad kong hinatak si Mika at pinapunta sa ilalim ng lamesa ko. Hindi ko alam ang iisipin ni Jovs dahil wala naman ng dahilan si Mika para bumalik sa opisina.
"Rachel." Wika niya.
"Yes, lieutenant?" Tanong ko.
"I'll be having my promotion ceremony ngayong linggo, nagbabakasakali lang ako, kung pwede pumunta ka?" Alanganin ang ngiting ibinigay niya sa akin.
"Ay—" I wanted to say no pero kinurot ako ng babaeng nasa ilalim ng aking lamesa kaya nagawi doon ang tingin ko salita saka siya nagplease sign.
"May kasama ka ba dito?" Tanong ni Jovs at inilibot ang tingin. Nakita naman niya ang military hat ni Mika kaya agad kong kinuha iyon bago niya pa makita ang initials nito. "May iba ka na nga talaga?" May pait ang kanyang ngiti. "Sino ba yang—"
I stopped her. "Aside from being your ex, I'm still your officer, Lt. Gonzaga." Stern kong sabi. "Leave. My life is none of your business anymore, at wala akong kasama dito. Naiwan lang to ni Paat." Pagdadahilan ko.
"Wala na ba talaga?" Napalunok naman siya. "I'd do anything."
Minsan naiisip ko, masama ba akong tao dahil ganun ko lang nabitawan yung sa amin ni Jovs? Mali ba na inisip kong mas gusto kong maging masaya? Mali ba na hindi ko inisip ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang kapatid niya ang nagmamay-ari ng puso ko ngayon?
Handa naman akong makatanggap ng masasakit na salita. Alam kong deserve ko naman iyon.
But do we really?
Hindi mo naman matuturuan ang puso. Kung patuloy namin itong ipagpipilitan, kumbaga sa sugat ay hindi naman gagaling, lalala lang ang sitwasyon.
Call me selfish, or whatever adjective people might find to describe me, mas pinangangambahan ko yung iniisip ni Mika sa ngayon dahil sa mga naririnig niya. Alam ko naman kung gaano niya kamahal ang kapatid niya, pero sana panindigan niya ang mga sinabi niya sa akin.
"Jovs, please." Hinawakan ko ang kamay niya. "Tama na, lalo mo lang sasaktan ang sarili mo." Sambit ko. "Refrain from going here, unless it's about any mission." wika ko pa.
"But we do have a mission sa friday, pag-usapan natin iyon."
I sighed. "The admiral pulled us out, together with your sister. Nilagay niya kami sa case ni Uno." sagot ko. "Jovs, anong oras na, may tatapusin pa ako."
Hindi na rin naman na siya nakipagtalo at lumabas na kaya isinara ko na ang pinto at binaba ang blinds ng aking bintana. Pinalabas ko naman si Mika sa pinagtataguan niya at halatang hindi siya kumportable sa lagay niya dahil nag-streching na siya.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...