Chapter 1

243 15 1
                                    

𑁍When the moon howls𑁍

"There are nights when the wolves are silent, and only the moon howls."

Genre: Fanfiction, mystery, adventure
Language: tagalog/english
Highest rank: #1 x reader

        


 

"You made flowers grow in my lungs, and although they were beautiful, i couldn't breathe."

Chapter 1- Hoshi

(Ayuri's POV)

Mamatay na ba ako? Kukunin 'na ba ako ni Lord? Marami pa akong mga pangarap sa buhay na gustong matupad, sana naman hindi pa ngayon ang oras na pagpipira-pirasuhin ako ni Kuya dahil sa galit.

"Ayuri!" Mahinahong tawag ni kuya. Tingin sa taas, may bagong kurtina wow.

"Ayuri!" Baba noo tingin sa sahig, ang kintab nang sahig ngayon 'ah.

"Ayuri!..." Tingin sa kaniya, salubong ang kilay, parang di na maganda 'toh.

Ito na naman yung mala armalite nyang bibig.

"Ayuri, umamin ka na!" Sana saniban sya ngayon ng mabuting espiritu, Diyos ko nag mamakaawa ako, ayuko na talaga. Lord kunin nyo na ako ngayon please.

"Ayuri, kakalbuhin ko talaga kilay mo pag di ka nagsalita"  kuya naman eh, ano naman sasabihin ko, alangan naman ipahamak ko sarili ko at amining ako ang nag ipit nung aso mo sa pinto.

"Again, sinong nag ipit ng aso ko sa pinto!" 

Malay ko ba naman kasi na naglalakad pala ako habang tulog, di ko naman sinasadya na ipitin si Elmo sa pinto.

"Ayuri sagotin mo ako!" lalong nag salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin.

"Ako" giit ko, agad niya akong tiningnan nang masama.

"Nababaliw ka na ba?" giit nya habang nakapameywang sa harapan ko.

"Medyo" sabi sabay peace sign, napabuntong hininga nalang sya.

"Aware ka bang di makakahinga ang aso pag inipit sa pinto! Sumagot ka!" giit nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam na naglalakad pala ako habang tulog, di 'ko naman sinasadya na ipitin si Elmo sa pinto " pagdadahilan ko sa kaniya.

"Aba't sumasagot kana ha!" napangiwi nalang ako sa sinabi niya, baka siya talaga yung baliw sa aming dalawa, sya 'tong may sabi na sumagot ako tapos kung sasagot naman ako magagalit naman sya.

Di pa yan matatapos jan, kasi pagkatapos nya akong sermonan ay babalikan nya na naman yung mga nagawa kong kalukuhan dati, pusta ako marerecite nya lahat ng nasa dictionary.

"Alam mo ba ayuri?"

"Hindi ko alam" wala sa sarili kong sagot. Bigla niya nalang akong pinitik sa noo kaya napa aray ako.

"Ewan ko talaga sayo, kung di lang talaga kita kapatid matagal na kitang pinakulong nang magtanda ka doon."

"Bakit police ka ba?" mayabang na tanong ko.

"Hindi, pero kaya kitang sipain palabas ng bahay."

"Bakit mo ako sisipain, football player ka ba?"

"Hindi pero isang sagot mo pa, ipapakain ko sayo tong kamao ko"

"Bakit boxer ka ba?"

"Ayuri huwag mokong pinipilosopo, inuutusan kita."

"Bakit amo ba kita?"

Nasampal niya  nalang yung sarili niyang mukha dahil sa pikon, napatawa naman ako ng malakas dahil sa reaksyon niya, kulang nalang kaladkarin niya ako palabas ng bahay.

"Joke lang kuya, hehe love you."

"Tssk, umalis ka nga"

***

Napahagikhik  ako sa daan habang inaalala yung mukha ni Kuya na parang angry bird dahil sa inis at pagkapikon.

Pulot ng dahon dito, pulot ng dahon doon sabay sisipa ng bato. Ang ganda pala nang lugar na nilipatan namin.

May nakita akong upuan sa di kalayuan, natatakot ako na baka sundan ako ni Kuya dito.

Umupo nalang muna ako sa upuan malapit lang sa tulay.

Sa 'di kalayuan ay may napansin ako, hindi lang pala ako ang tao dito, may lalaking nakatayo dun sa may kabila malapit sa may upuan, ang layo ng tingin nya, parang may malalim na iniisip.

Ano kayang iniisip niya? humakbang ako papalapit sa kinatatayuan niya, di 'ko alam kung sino siya pero may kung ano sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

"The view is beautiful, isn't it?" masayang giit ko dito pero di nya ko nilingon. Sayang yung english ko.

"Kuya tao po ako" sabi ko na naman pero di nya parin ako nililingon.

Napairap nalang ako sa hangin dahil sa inis, sa buong buhay ko ngayon palang ako nagpapansin.

"Ang sungit sungit pangit naman" mahinang bulong ko sa sarili pero nabigla ako nang humarap sya sakin at galit akong tiningnan.

"You're saying something?" giit nya, napaiktad ako dahil sa boses at paraan niya nang pagtitig, nakakamangha yung mga mata niya na mala-tigre.

"Ah wala, sabi ko ang ganda ng panahon ngayon."
palusot ko kaya binalik  nalang yung tingin nya sa kawalan.

"Anong tinitingnan mo?" tanong ko at tumingin sa malayo.

"Tinitingnan ko lang ang buong paligid" sagot nya kaya napangiti ako.

Kinuha ko yung camera na palagi kong sinasabit sa leeg ko at itinutok ito sa kaniya. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko talaga yung pagkuha nang mga litrato, siguro pagkacollege ko ito yung kukunin kong kurso.

Nabigla pa sya nang biglang magflash yung camera kaya napatingin sya sakin.

"What are you doing?" tanong nya.

"You should capture every beautiful moment in your life" sabi ko at itinutok na naman ang camera sa kanya.

"This is not beautiful" malamig na sabi niya sakin pero sa halip ay hindi ko siya pinansin.

"Tingin dito!" sabi ko at ginawa nya naman. I took a picture  with the whole city behind him.

"What's your name?" habang tinitingnan ko yung mga kuha ko ay bigla na lamang akong napatingin sa kanya.

"I'm ayuri, you can call me yuri", napangiti ako nang lumabas na yung litrato niya. Ang cute nya naman pala.

I hand him the picture "Ikaw, anong pangalan mo?"

"Hoshi Claud Maverick" may maliit na ngiti ang gumuhit sa labi niya ng tingnan ang picture na kuha ko.

His eyes, it seems so familiar.

*vote comment and enjoy!"

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now