Chaeng pov
After namin magusap na magkakaibigan ay naghiwa hiwalay na kami para makapag celebrate kasama ang mga family namin dahil bukas aalis na kami para magbakasyon sa resort nila loui.
Hinatid ako ni jisoo sa mga magulang ko dahil pupuntahan na din daw niya ang mga magulang niya sakto paglabas namin ng convention naghihintay na sila mom and dad kasama si ate alice.
"Ayan na pala si chaeng, congtrats anak."bati sakin ni mommy sabay yakap after nun napatingin siya sa likuran ko.
"by the way sino yang kasama mo?" Pagtatanong niya
"Thanks mom by the way mom, dad and ate this is kim jisoo kaibigan ko po siya, jisoo si mom and dad at si ate alice."pagpapakilala ko sakanila
"Hello po mam, sir good afternoon po." Bati naman ni jisoo sa family ko parang kinakabahan ang manok hahaha
"Kim ang last name mo di ba related ka ba kay kim shin na nag mamay ari ng mga malls at furniture factory?"pagtatanong ni dad
"Ah ye-yes po actually po father ko po siya." Sagot naman ni jisoo
Halata mo sakaniya na kinakabahan siya firts time niya mameet ang parents ko ni hindi pa ulit namin napapagusapan yung panliligaw niya sakin.
"So anak ka pala ni Mr. Kim tell your dad na kinakamusta ko siya." Sabi naman ni dad so kilala niya ang dad ni jisoo siguro dahil sa business
"Sige po sir sasabihin ko po." sagot naman ni jisoo
"Tito call me tito dahil kaibigan ka ng anak ko." Sabi ni dad kaya nagulat siya
"Ou nga iha tito and tita nalang itawag mo samin masyadong formal pag mam and sir and by the way congrats din sayo." Sabi naman sakaniya ni mommy
"Ahsi-sige po tito, tita salamat din po mauuna na po ako baka hinahanap nako nila dad, chaeng kita nalang tayo bukas daanan nalang kita."
Isang sasakyan nalang daw kasi ang gagamitin bukas pabor naman sakin dahil di pa din naman ayos ang sasakyan ko.
"Sige tawagan kita bukas congrats ulit." After nun ay umalis na si jisoo, umalis na din kami ng family ko para magcelebrate.
Nang makarating kami sa restaurant kung saan nagpareserve si dad ay umorder agad ako ng pagkain ang tagal kasi ng ceremony ginutom nako sa sobrang tagal.
"Chaeyoung nililigawan ka ba ni jisoo?" Biglang tanong ni dad napatigil ako sa pagcecellphone ko naguupdate kasi ako sa social media ko.
"Ah ye-yes dad pero 1week palang siyang nanliligaw bakit po dad?." Alanganin kong tanong mabait naman si dad kaya lang pagdating samin magkapatid napaka protective niya.
"Hahaha sabi ko na kinakabahan kasi siya kanina habang tinatanong siya ni dad." Sabi naman ni ate alice halata bang kabado si manok hahah
"Wala naman natanong ko lang mabait ang pamilya nila lalo na ang father niya, kaya kung nililigawan ka niya ay ok lang sakin invite her next time sa bahay para makausap ko siya." Sabi ni dad naikinatuwa ko naman akala ko kasi ayaw niya kay jisoo
"Sige po dad sasabihin ko po sakaniya."sabi ko
"By the way sweetie bukas na ang alis niyo di ba? Magiingat kayo dun." Sabi naman ni mom
Nakapagpaalam na kasi ko sakanila at pinayagan naman nila ko, maya maya pa dumating na din yung order namin at nagsimula ng kumain.
Jennie pov
Andito kami ngayon sa hotel nila lisa para icelebrate ang graduation namin, habang kumakain kami ay napagusapan ang pagtatrabaho ni loui sa company nila.