Chapter 15 - Graduation day

350 7 0
                                    

Jennie pov

Ngayon na ang araw ng pagtatapos namin finally makakagraduate na kami, after ng mga paghihirap namin sa thesis, projects at finals sawakas ito na.

"Girls congrats satin finally nakagraduate na tayo."sabi ni solar

"Ou nga grabe sawakas wala ng mga terror na prof na magpapahirap satin." Dadag pa ni chaeng

Totoo naman minsan pinapahirapan kami ng mga prof namin pero kahit ganun natapos pa din namin lahat.

"Congratulation girls." Napalingon kami sa nagsalita nakita ko sila lisa papalapit samin.

May dala silang mga bulaklak at binigay samin isa isa nakita ko naman napangiti si irene ng iabot sakaniya ni seulgi yung bulaklak.

Finally nakita kong masaya na ulit ang kaibigan ko, silang dalawa na ang ikakasal hindi pa namin alam kung pano nangyari yun pero saka ko na siya tatanungin.

"Hey jen congrats finally graduate na tayo." Bigla sabi ni lisa kaya napangiti ako.

"Congrats din sayo, so kailan ka magsstart sa company ng dad mo?" Nabanggit niya kasi sakin na magsisimula na siyang magtraining as ceo ng company nila.

"After 1month sabi ni dad magpahinga muna daw ako." Sabi niya

"Guys maaga tayo bukas ah kila jennie nalang tayo magkita kita." Sabi ni jisoo

Ou nga pala maaga kami aalis bukas para magbakasyon sa resort nila lisa, napagusapan kasi namin na isang sasakyan nalang ang gamitin para di na hussle sa byahe.

"Sige so ano plano niyo today? " Pagtatanong ni byul

"We have a dinner with my parents and jennie's parents." Sabi ni lisa

"WHHHHHAAAAAATT!!!!!" Sabay sabay nilang sabi na para bang naguluhan sila.

"Jen dont tell m-" di ko na pinatapos ang sinasabi ni irene alam ko na ang iniisip nila.

"No irene hindi kami ipagkakasundo, yung parents ni lisa at parents ko ay matalik na magkaibigan at nagulat din kami pareho nung nagdinner kami one time sa hotel nila." Pagpapaliwanag ko

"You mean yung sinasabi mong dinner kasama yung kaibigan ng dad mo with his family is parents ni lisa?" Pagtatanong ni chaeng

"Ou nagulat nga din ako ng makita ko si jen nung gabi yun nalaman din nila na magkibigan kami, kaya nagdecide yung parents namin na isang celebration nalang ang gawin para sa graduation namin." sabi naman ni lisa

Nasabi ko sakanila yung about sa dinner kasama ang kaibigan ni dad pero hindi ko nabanggit sakanila na parents pala ni lisa yung kaibigan ni dad kasi naging busy na kami sa practice ng graduation.

"So jen napakilala mo na pala si lisa kila tito at tita."sabi ni solar na nakangiti ng nakakaloko

"Parents niya ang nagintroduce sakaniya kila mom and dad hindi ako." Sabi ko sakaniya alam ko yung ngiti niyang yun.

"Ehem lisa parang may susunod na ata samin ni irene hahaha."pagbibiro ni seulgi kay lisa haiy nako eto na naman sila.

"Kang seulgi manahimik ka gusto mong pabalikin ko si suzy dito ng di matuloy ang kasal niyo ni irene?" Biglang nanlaki ang mata ni seul sa binulong lisa sakaniya at si lisa tinawanan lang siya ano na naman kaya binulong sakaniya nito.

"Ito naman di mabiro, bae tara na inaantay na tayo nila mom and dad." Pagaya ni seulgi kay irene

"Guys mauna na kami congrats ulit kita kits nalang bukas." Sabi ni irene at nagyakapan kami after nun umalis na sila.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon