Lisa pov
"Good morning hon, wake up." Bulong ko kay jennie habang mahimbing pa rin na natutulog, maaga ako nagising dahil hindi naman ako gaano makatulog kagabi dahil sa nalaman ko about pat's family hindi ko din alam kung alam na ba niya ang tungkol dun sakabila ng nangyari saming dalawa ay nagaalala pa din ako sakaniya, after all ay kaibigan ko pa din naman siya.
"Hon wake up madami pa tayong pupuntahan gising kana." Sabi ko ulit kay jennie at nagising din siya sawakas.
"Ang aga mo naman atang nagising." Sabi sakin nito, agad naman akong tumayo para kunin sa mini table ko yung breakfast na pinahanda ko, paggising ko kasi kanina ay agad akong bumaba sa kusina para ipaghanda si jennie ng breakfast.
"Here for you, sorry rose lang kasi ang meron hindi ako nakapag pabili ng daisy." Sabi ko sakaniya sabay abot ng rose at ngumiti naman ito.
"Its ok hon as long as galing sayo ok lang, thank you." Sabi nito sakin at hinalikan ako.
"Lets eat." Sabi ko sakaniya at nagsimula na kaming kumain, I cooked pan cake, bacon at naghanda din ako ng coffee and juice syempre hindi mawawala ang water I noticed kasi na everytime kakain kami ni jennie lagi siyang naghahanap ng tubig kaya naman nagprepare na din ako.
"By the way hon saan pala tayo pupunta ngayon?" Pagtatanong nito sakin actually isa din yun sa dahilan bakit hindi ako gaanong nakatulog kagabi, iniisip ko kung saan ko ipapasyal si jennie may sinuggest naman na pasyalan si boyo siguro dun ko nalang siya dadalin.
"Malalaman mo mamaya but first kumain muna tayo para makapag prepare na tayo." Sabi ko dito at tumango naman ito.
After namin makapag ayos ay bumaba na kami ni jennie pagdating namin sa baba ay naabutan namin ang parents ko na nagbebreakfast kaya naman nilapitan namin sila.
"Good morning mom, good morning dad." Bati ko sakanila at nilapitan para yakapin at ganun din ang ginawa ni jennie.
"Good morning po tito, tita." Bati din ni jennie sakanila.
"Good morning, kumain na kayo." Sabi samin ni mommy.
"By the way lisa, papasamahan ko kayo kay bambam sa papamasyal niyo." Biglang sabi ni dad, eto na naman kami kailangan talaga may nakabuntot samin na mga bodyguard, eh kaya ko naman ang sarili ko, kaya ko naman protektahan si jennie.
"But da-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kumontra ito sakin.
"No buts lalisa, I want you and jennie to be safe sa pa mamasyal niyo." Sabi nito samin, hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan pa niya kaming pasamahan.
"Hon its ok, tito is right mas mabuti na din na kasama natin si bambam." Sabi sakin ni jennie kaya naman wala nakong nagawa at pumayag na din ako.
"Fine, aalis na po kami." Paalam ko kay mommy at daddy.
"Tito, tita alis muna po kami." Paalam naman ni jennie at nilapitan ang mga ito.
"Ok magiingat kayo, lisa anak ikaw na bahala kay jennie." Sabi naman ni mommy kaya tumango ako.
After namin makapag paalam ay lumabas na kami, paglabas namin nakita ko yung tatlong sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin nakinagulat ko naman.
"I thought si bambam lang ang kasama namin." Tanong ko sa sarili ko, agad naman kaming nilapitan ni bambam at nung kasama niya actually ito din ang kasama ni bambam na sumundo samin sa airport pero hindi ko alam ang pangalan niya.