Jennie pov
Nang makaalis si lisa ay naiwan nalang ako magisa sa condo niya 1week after ng kasal ni irene at seulgi ay lumipat na ako dito sa condo niya after kasi malaman ng mga magulang namin ang tungkol saamin ay pinayagan na nila kami tumira ni lisa sa iisang bahay kaya naman itong si lisa ay kinulit na ako na lumipat dito sa condo niya.
Pumunta muna ako sa kwarto namin ni lisa para ayusin ang iba kung gamit dahil di ko pa naaayos ang iba dito, gusto sana niya magpadagdag pa ng cabinet dito sa walk'in closet niya kaya lang sabi ko huwag na dahil hindi ko naman dadalin lahat ng gamit ko dito sa condo niya may mga naiwan pa din akong gamit sa bahay just in case na gusto ko pa din umuwi dun.
Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng mga gamit ko ng tumonog ang door bell ng unit ni lisa kaya naman agad ko naman pinuntahan ito.
"Sino naman kaya ito." Sabi ko sa sarili ko at agad kong tiningnan sa monitor pagtingin ko ay si chaeng at solar pala kaya agad kong binuksan yung pinto pagbukas ko ay bumungad sakin yung dalawa kong kaibigan.
"Hi wifey." Bati sakin ni chaeng at niyakap ako ganun din si solar, agad ko naman silang pinapasok.
"Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba hindi na tayo tuloy sa lakad natin?" Pagtatanong ko sakanila.
"Here we brought some food, ou nga hindi na tayo tuloy pero wala naman kaming sinabi na hindi ka namin pupuntahan." Sabi ni solar sabay abot ng dala nilang pizza at chicken.
"Maupo muna kayo aayusin ko lang to." Sabi ko at nagtungo sa kitchen para ayusin yung dala nilang pagkain.
"Lisa have a nice condo huh." Pagpupuri ni chaeng habang nililibot ang condo.
"So kamusta naman ang pagtira dito sa condo ni lisa, Ms. Jennie ruby jane kim or should I say soon to be Mrs. Manoban hahaha." Pabirong pagtatanong sakin ni solar kaya naman inirapan ko lang ito.
"Heres the food, manahimik ka nga solar hindi pa kami ikakasal kaya tumigil ka saka parents ko din ang may gusto na tumira ako dito sa condo ni lisa." Pagpapaliwanag ko sakanila.
"Pabor din naman sayo yun hahaha." Sabi ni chaeng kaya nagtawanan silang dalawa.
Haiy pumunta lang tong dalawang to para asarin ako.
"Manahimik nga kayo, teka nga maiba ko kamusta nga pala yung wedding preparation mo hubby?" Pagiiba ko ng usapan sigurado kasing di ako titigilan ng mga to.
"Well me and jisoo already talked to our wedding planner and our parents wants to held a engagement party hindi ko nga alam bakit pa kailangan ng ganun eh magpapakasal naman din kami next year." Pagpapaliwanag ni chaeng nakwento niya kasi samin yung nangyari sa dinner nila with jisoo's family.
"Syempre gusto nilang ipaalam sa lahat na bukod sa ikakasal kayo ay magmemerge na din ang mga business ng mga pamilya niyo kaya wag kana magtaka ok." Tama naman si solar gaya ng nangyari kay seulgi at irene kaya sila nagpakasal agad dahil sa pagmemerge ng mga business ng mga pamilya nila but good thing ay mahal ni irene at seulgi ang isa't isa kaya ok lang na magpakasal sila.
"How about you jen wala pa ba kayong balak magpakasal ni lisa." Pagtatanong sakin ni chaeng, kakasimula lang ng relasyon namin ni lisa kaya hindi pa namin naiisip yun.
"Hindi pa and besides ngayon palang nagsisimula si lisa sa company nila and nagiisip na din ako ng pwede kong gawin." Pagpapaliwanag ko sakanila.
"Speaking of that I'm working in our company soon." Sabi ni chaeng kaya napatingin kami sakaniya, akala ko ba ayaw niya magwork sa company nila bakit bigla atang nagbago isip niya.